Diana Zubiri bares family's plans to migrate to Australia

IMAGE Noel Orsal

Diana Zubiri talks about possibility of her family migrating to Australia soon for the sake of her eldest son, King: “Kaso lang kasi ako, parang hangga’t meron akong trabaho dito, sayang naman. Sabi ko, ‘Anak, antay lang nang konti. Iipon lang tayo.’ Sabi niya, ‘Sige, ha?’"


Tinanong namin si Diana Zubiri kung nag-away na ba sila nang bongga ng mister niyang model/businessman na si Andy Smith.

Mabilis niyang pagkumpirma, “Oo naman, hindi naman yan nawawala.”

Pag-uusap ang nagiging resolusyon sa anumang hindi nila pagkakaunawaan.

Sino ang unang nakikipag-usap?

Siyempre siya! Tigas ulo! Siyempre siya,” sabay tawa ng aktres.

Ano ang nararamdaman ni Diana kapag nakakabalita siya tungkol sa showbiz couples na nasisira o nagwawakas ang relasyon?

Lahad niya, “Nalulungkot ako.

Pero siyempre, siguro it’s the best for them na hindi na lang.

Kasi hindi naman natin alam kung ano ang nangyari sa kanila habang nagsasama sila, di ba?

Hindi ako puwedeng magsalita or anything kasi hindi naman po ako ang nakaranas, so wala tayong paki.”

FALLBACK

Masasabi ba niyang tinalikuran niya ang kanyang showbiz career para magpakasal kay Andy?

Paglinaw niya, “Hindi naman.

Kasi at that time, nung nagkakilala po kami ni Andy, nag-aaral naman ako, college.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So parang hindi ko naman masasabi na nag-give up ako kasi, lie low naman ako, nag-aaral ako.”

Theater Arts ang kursong tinapos ni Diana sa Miriam College noong 2015 bago sila nagpakasal.

Bakit yun ang kursong kinuha ni Diana?

Tugon niya, “Naisip ko kasi dati, ‘O, wala na akong masyadong show.’

Gusto kong mag-try sa Hollywood. If ever.

Pero yun nga, nakabalik naman kahit papaano.”

STILL PURSUING HER HOLLYWOOD DREAM

Hindi na siya sumubok sa Hollywood dahil nagkaroon siyang muli ng career bilang artista dito sa Pilipinas kahit may asawa na siya.

Kumbaga, at least meron lang akong fallback just in case na wala ng masyadong trabaho dito.

Kaya kong magtrabaho sa ibang bansa.”

Hindi pa rin inaalis ni Diana sa isip niya na sa tamang panahon ay susubok siya na magkaroon ng career sa Hollywood.

Oo naman! Kasi kung dito baka hindi nila ako tanggapin,” natatawang hirit niya.

Hindi ko alam, pero iyon yung mindset ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

If ever wala na ditong trabaho, sa ibang bansa ako magta-try.

Tsaka mas malaki ang suweldo.”

Kung sa ibang bansa siya susubok ng acting career ay buong pamilya silang aalis.

Paliwanag niya, “Hindi ko naman sila puwedeng iwan dito.

Actually, yung panganay ko, gusto niya doon, sa Australia.”

MIGRATING TO AUSTRALIA SOON?

Australian si Andy at nakapagbakasyon na sila nang dalawang beses sa Australia kasama ang mga anak nila.

Tila nagustuhan panganay na anak nilang si King ang kakaibang environment doon.

Kaso lang kasi ako, parang hangga’t meron akong trabaho dito, sayang naman.

Sabi ko, ‘Anak, antay lang nang konti. Iipon lang tayo.’

Sabi niya, ‘Sige, ha?’

May sine-set siyang time sa akin. Tapusin lang daw niya yung elementary dito, gusto na daw niyang mag-Australia.”

Grade 5 na si King.

Gusto niya dun unang-una, meron siyang sariling freedom, wala kasing maid doon, e.

'Tapos, may park. Nakakalabas siya.

Kasi dito hindi ko siya masyadong pinapalabas, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makakalabas siya, kahit magtatakbo siya doon, walang pakialam yung mga tao.

Tsaka siyempre may kaba factor ka talaga pagdating dito baka ma-kidnap, ganyan!

Siyempre, praning ako.”

Sariwa ang hangin sa Australia.

Iyon pa, 'tapos pati pagkain, alam mo yun?

Feeling ko naman kaya niya, tsaka lalaki yun, e.

So parang sabi ko, ‘Sige anak, pag ano, tingnan natin pag natapos mo na yung elementary mo dito.”

Payag naman raw si Andy kung magma-migrate sila sa Australia.

Kasi dun siya lumaki, e.

Yun nga lang, siyempre ang pinakamalaking adjustment, ako, di ba?

Anong gagawin ko dun?

Kaya nagtse-tsek din ako kung ano...

Kaya nagbi-build rin ako ng businesses dito para pag umalis ako, kaya ko pa ring mag-earn kahit papaano.”

THRIVING BUSINESSES

Isa ring businesswoman si Diana bukod sa pagiging artista.

Meron silang twelve apartment units for rent, at kakabili niya rin lang ng dalawang condo units mula sa kinita niya sa Dragon Lady.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pang-Airbnb ko, hati kami ni Andy.

Iyan ang naisip ko, kasi kung iyon yung plans nung bagets, gusto ko rin naman, kasi mas parang safe din para sa kanila.

E, di sige!”

Meron din si Diana na franchise ng Siomai King at tindahan ng sabon, ang Beuche.

Ang mommy at mga kapatid niya ang mag-aasikaso kung sakaling maninirahan na sa Australia sina Diana.

And then magre-launch din kami ng... kung alam niyo po yung G3 at Be Amazing dati na workout apparel – mga leggings at mga shorts.

Sa amin po yun dati. Magre-relaunch kami, papalitan ng pangalan.”

Nawalan raw siya ng importer kaya huminto muna sila ng anim na buwan, pero itutuloy na nilang muli ang kanilang sports apparel business.

Kapag busy siya sa tapings ng Dragon Lady, si Andy ang nag-aasikaso ng kanilang mga negosyo.

Basta kailangan lahat ng business na papasukin namin kaya naming dalawa.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close