Tirso Cruz III happy about Angel Locsin-Neil Arce engagement

IMAGE Noel Orsal

Tirso Cruz III on The General Daughter co-star Angel Locsin's engagement to fiance Neil Arce: “They're both very much in love and they're planning it out very well. Yung kanilang wedding, gusto nila talagang to perfection yung kasal nila. Unti-unti, sabi nga niya. Slowly but surely yung planning.”


Bilang isa sa mga co-star ni Angel Locsin sa seryeng The General's Daughter, nagpahayag ng kasiyahan si Tirso Cruz III para sa engagement at nalalapit na pagpapakasal ni Angel sa fiance niyang si Neil Arce.

Ayon sa betaranong aktor, nakita niya kung paano nagmamahalan ang dalawa.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) at Cinema News si Tirso sa nakaraang 2019 Eddys Awards na ginanap sa New Frontier Theater nung nakaraang Linggo, July 14.

Lahad niya, “It's a milestone always in the life of a woman or a man.

“It's a milestone when you start planning for your future, for your family.

“Kinakantiyawan nga namin si Angel, niloloko namin but still it's a long way to go.

“They're both very much in love and they're planning it out very well.

“Yung kanilang wedding, gusto nila talagang to perfection yung kasal nila.

“Unti-unti, sabi nga niya. Slowly but surely yung planning.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON NEIL ARCE

Ayon sa aktor, may ilang beses na rin niyang na-meet nang personal si Neil at masasabi niyang mabuti itong tao.

Kuwento niya, “Yeah, I met him. Si Mr. Arce, si Neil.

“Once, nagpunta siya sa set and nagkita din kami sa premiere ng movie ni Ogie, Kuya Wes.

“He's a very wonderful person, makikita mo naman talaga na mahal niya si Angel.”

THANKFUL TO LOYAL TELEVIEWERS

Tumatatak ang role ni Tirso bilang Santiago Guerrero sa The General's Daughter.

Masaya at nagpapasalamat naman siya sa consistent high ratings at magagandang feedback tungkol sa serye.

Sambit niya, “Well, nagpapasalamat kami unang-una sa mga viewers na sinusuportahan nila ang General's Daughter.

“Starting off with Angel, and mga kasama namin like sila Albert [Martinez], sila Arjo [Atayde], sila Janice [de Belen], pati si Maricel Soriano, the whole cast, putting their best foot forward.

“Talagang nagtutulung-tulong kami, we're like family talaga.

“Of course, everybody naman in this industry is considered family, pero pag mayroon kang show, mas nagiging close yung bonding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang dedication namin ay makapagdulot ng magandang istorya, palabas para sa mga manonood.”

HONORED AS SHOWBIZ ICON

Nagpasalamat din si Tirso na isa siya sa mga beteranong artista na binigyan ng parangal bilang isa sa 2019 Eddys Icon Awards recipients kahilera nina Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Dante Rivero, Eddie Gutierrez at marami pang iba.

“Any award is always an honor, but this one is very prestigious like they honored us as one of the icons.

“Yung mahilera ka sa mga kasabay ko kanina, mga magagaling na artista, nakakataba ng puso mapabilang sa hilera nila,” pagpapasalamat niya.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close