ABS-CBN, GMA-7 stars congratulate Manny Pacquiao for his win against Keith Thurman

IMAGE Courtesy of @FOXSports on Twitter

Filipino boxing champ Manny Pacquiao defends his WBA World Welterweight title against American boxer Keith Thurman on Saturday night, July 20, at MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada.


Umani ng congratulatory messages ang Filipino boxing champ na si Manny Pacquiao, 40, matapos nitong talunin ang American boxer na si Keith Thurman, 30.

Dinepensahan ni Pacquiao ang kanyang WBA World Welterweight title kay Thurman sa kanilang laban nitong Sabado ng gabi, July 20 (U.S. time) sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada.

Sa kanyang edad, si Manny ay gumawa rin ng record bilang oldest Welterweight boxing champ sa buong mundo.

Nanalo si Pacquao via split decision sa scores na 114-113, 115-112, at 115-112. Ito ang unang beses na nakatikim ng talo si Thurman sa kanyang boxing record.

Ilan sa mga Kapamilya stars na naunang nagbigay ng congratulatory message kay Manny matapos ang kanyang laban ay sina Gretchen Ho, Zsa Zsa Padilla, Thor Dulay, at Arron Villaflor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Agad ding nagpaabot ng kanilang congratulatory messages sa kanilang Twitter accounts ang mga Kapuso stars na sina Joey de Leon, Gabby Eigenmann, Gil Cuerva, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio, Mark Bautista, at Jon Lucas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maging ang mga kasama ni Pacquiao sa Senado, kabilang sina Senator Nancy Binay, Senator Joel Villanueva, Senator Grace Poe, Senator Win Gatchalian, at Senator Sonny Angara ay ikinatuwa rin ang pagkapanalo ni Pacquiao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binati rin si Pacman ng Filipino-American NBA player na si Jordan Clarkson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang minuto matapos siyang ideklarang panalo, walang ibang nabanggit si Manny kundi papuri sa kanyang nakalaban.

Pahayag nito, "He's a good fighter, he's a good box. He's strong."

Nagpasalamat din si Pacquiao sa boxing fans na sumuporta sa kanilang laban.

Aniya, "I really love the fans, thank you so much for coming here. I'm sure you're happy tonight because you see a good fight.

"Even though Thurman lost, he did his best. He's a good boxer. I think I'm just blessed tonight."

Sa interview, sinabi rin ni Pacquiao na sa 2020 na ang kanyang susunod na laban. Babalik din ito sa Pilipinas upang mag-focus sa kanyang trabado bilang senador.


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close