Derek Ramsey looks down on jealousy in any love relationship


Derek Ramsey objects to questions suggesting that he may be jealous of his girlfriend Angelica Panganiban's leading men. He was moved to tears by her performance in "A Love Story."


Sa unang pagkakataon ay namataan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na magkasama ang magkasintahang Angelica Panganiban at Derek Ramsey sa red carpet premiere ng A Love Story sa SM Megamall noong Martes, August 14.

Dahil sabay nilang pinanood ang nasabing pelikula, marami tuloy ang nagtanong kung totoong nagselos si Derek sa mga eksena ng kanyang girlfriend with Aga Muhlach.

Mariin namang itinanggi ito ng aktor at sinabing naiintindihan naman niya ang trabaho ng kanyang kasintahan. Aniya, "Nakilala ko siya, artista siya, that's what she does and that's what I do."

Ganito rin ang naging pahayag ng Derek nang tanungin siya tungkol sa isyung pagseselos diumano niya kay Carlo Aquino, dating boyfriend ni Angelica, nang magkasama ang dalawa sa two-week show sa Amerika.

"Hindi ko pa siya nakikilala pero walang bad remark. I've never even met the guy yet," ang maikli niyang sagot.


At sa live interview ng Entertainment Live! sa magkasintahan noong Sabado, August 18, sinabi pa ni Derek na ayaw niya ng mga isyung selosan. "Masama iyon. Ayoko ng ganun sa relationship."


Samantala inamin naman nitong pinaiyak siya ni Angelica habang pinapanood ang A Love Story. Kuwento pa niya, "May part nga dun sa movie na kinurot ko siya, sabi ko, 'Nahihiya ako, umiiyak ako hindi ko alam ang gagawin.'"

At para sa kanya ay maganda ang naturang pelikula hindi lamang dahil kasama ang girlfriend niya rito. Sa paglalarawan ni Derek, "I was so captured by the movie. Sabi ko nga parang everything seems so real."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN