Vitto Marquez recalls time when he was not on speaking terms with dad Joey Marquez

IMAGE Instagram


Ikinatutuwa ng Hashtags member na si Vitto Marquez ang patuloy na suportang ibinibigay sa kanya ng amang si Joey Marquez.

Lalo na pagdating sa mga desisyon niya sa buhay, kasama na rito ang pagpursige sa kanyang career.

Pero hindi raw ito naging madali para kay Vitto.

Kaya noong magdesisyon siyang magtrabaho at pansamantalang iwanan ang pag-aaral, masinsinan niyang kinausap ang actor-comedian na ama.

Kuwento ni Vitto, “It’s not easy!

“Siguro, ang dami ngayon sa millennials na parang kinu-control sila ng parents nila, and before ganun din ako.

“But I just wanna say sa kanila na just do what’s best for you.

“Kasi, once na wala na sila sa life mo, dun mapi-feel yung bigat ng buhay.

“Basta ako, sinabi ko sa daddy na gusto ko lang i-try, at kung mag-work out, gusto kong tumalon na mag-isa.

“Sabi sa akin ni Daddy, ‘Sige, pero kahit anong mangyari, magkamali ka, nandito ako.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, sa akin, ayokong mawala lahat ng pinaghirapan ko. Ipinaglaban ko.”

Pag-amin pa ni Vitto, “There was a time na nagka-isyu na nag-away kami ni Daddy ng one year.

“Hindi kami nag-uusap, kasi nga, I pursued acting.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Vitto sa grand medicacon ng pelikulang Indak, na ginanap sa Il Terrazo Mall, sa Quezon City, noong July 18.

Isa sa cast members si Vitto sa pinagbibidahang movie nina Nadine Lustre at Sam Concepcion under Viva Films.

STALLING HIS STUDIES

Ang pagtigil sa pag-aaral ang pinakamabigat na dahilan kung bakit naputol ang communication nilang mag-ama.

Ayon kay Vitto, “Yun nga, tumigil ako sa pag-aaral.

“One year kami di nag-uusap, pero nakita niya na pinatunayan ko sa sarili ko.

“Tinulungan rin niya ako.

“Sabi niya, ‘Deejay…’ Deejay pa noon ang pangalan ko, ‘pa-audition ka sa Hashtags.’

“Hindi pa ako marunong nun sumayaw.

“Sabi niya, ‘Hindi, gumawa ka ng sayaw ngayong gabi, bukas ipapa-audition kita.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang ginawa ko.”

Ngayon nga ay isa siya sa miyembro ng all-male dance groups na Hashtags na regular na napapanood sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

LOVELESS VITTO

Samantala, marami ang nagtataka sa sinasabi ni Vitto na wala siyang girlfriend ngayon.

Parang hindi nga raw ito tatak ng isang Marquez.

Nangingiting sagot ng acor-dancer, “Ang masasabi ko lang, siyempre hawak mo lahat ng oras, andun yung temptations.

“Same with showbiz, andun lahat ng temptations. It’s a matter of discipline.

“That’s why I choose not to have a girlfriend ‘cause I’m still building with myself.

“Building a foundation where I can let this woman live with me with no hassle.”

Paglilinaw pa ni Vitto, hindi siya takot sa commitment.

Saad niya, “No… I am scared for my partner.

“Scared in the sense na she’s committed, na sobra, I can’t give that.

“Kasi ako, I can choose my career over love for now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I enjoy people, like, lumalabas, nag-uusap.

“Pero yung relationship na parang, ‘nasaan ka? No!’

“Ayoko muna yung masyadong malalim.”

Ang ina ni Vitto ay ang aktres na si Alma Moreno.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close