Phillip Salvador to Duterte critics: "Mamatay kayong lahat."


"Mamatay kayong lahat."

Ito ang pinakawalang salita ng beteranong aktor na si Phillip Salvador laban sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ito ni Phillip ilang sandali bago magsimula ang ika-apat na State Of the Nation Address (SONA) ni Duterte ngayong Lunes ng hapon, Hulyo 22.

Ayon sa ulat ng Inquirer.net, dumating si Phillip, kasama ang kapwa niya Duterte supporters na sina Robin Padilla at Bayani Agbayani, sa Batasang Pambansa sa Quezon City kanina para saksihan ang SONA ni Duterte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito ay tinanong ng reporters ang aktor kung ano ang inaasahan niyang sasabihin ng Pangulo sa SONA nito.

Sagot ni Phillip, "Simple lang, ginagawa naman ng Pangulo natin ang lahat para sa ikabubuti ng bansa, para sa ikabubuti ng bawat Pilipino pero binabatikos pa rin siya."

Buwelta pa niya, "Sa inyo pong lahat na bumabatikos, mamatay kayong lahat. Salamat po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapansin-pansin naman ang magkakaparehong Barong Tagalog na suot nilang tatlo nina Robin at Bayani.

Sabi ni Phillip tungkol dito, "Kasi kami po ang three musketeers.

"Pinaglalaban namin siyempre yung tama.

"Feeling lang namin yun, ha, ibigay niyo na sa amin."


ABOUT THE AUTHOR

Erwin Santiago has been an entertainment editor/writer since 1992. He joined PEP.ph in 2006.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close