Marjorie Barretto to take legal action vs netizen who uploaded Julia-Gerald photo

IMAGE Noel Orsal / @marjbarretto on Instagram

Marjorie Barretto (right) plans to take legal action against netizen who alleges that Gerald Anderson and Julia Barretto (left photo) had a tryst last weekend.


Nagbanta si Marjorie Barretto na gagawa siya ng legal action laban sa netizen na nagpapakalat ng diumano'y maling paratang laban sa kanyang anak na si Julia Barretto at sa aktor na si Gerald Anderson.

Usap-usapan ngayon ang social media post ng isang netizen kung saan makikita sa larawan na magkasama sina Julia at Gerald Anderson.

Kuha umano ang larawan pagkatapos dumalo nina Julia at Gerald sa birthday celebration ni Rayver Cruz sa isang bar sa Taguig City nitong weekend. 

Ayon sa caption ng netizen, ang larawan nina Julia at Gerald ay kuha habang papunta sa parking area pagkagaling umano sa party. 

Sabi pa ng netizen, sabay na pumasok sa isang kotse ang dalawang Kapamilya stars.

Paratang pa ng netizen, nagtataksil diumano si Gerald sa girlfriend na si Bea Alonzo.

Sa comments section ng post, itinanggi ni Marjorie na may namamagitan sa anak niyang si Julia at kay Gerald.

Sabi pa ng aktres, sinadyang i-zoom in ang larawan para magmukhang ang magkasama lamang ay sina Julia at Gerald. Pero sa kabuuang photo ay may kasama raw silang iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanindigan naman ang netizen na walang ibang kasama sina Julia at Gerald nang makunan sila ng litrato.

MARJORIE ANSWERS NETIZENS ON ISSUE INVOLVING JULIA

Samantala, kumakalat na rin sa social media ang screenshots ng pakikipagsagutan ni Marjorie kaugnay ng isyung kinasasangkutan ng anak at ni Gerald.

Hindi na mababasa ang naturang comments sa Instagram account ni Marjorie dahil naka-off na ang comments section ng kanyang posts. 

Pero sinabi ni Marjorie na nagpaplano siyang idemanda ang netizen na nagpakalat ng diumano’y maling impormasyon at paninira lamang kina Julia at Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinagot din ni Marjorie ang isang netizen na nagkomentong idemanda rin nito ang lahat ng mga taong pumapanig kay Bea na siyang umanong naagrabyado sa sitwasyon.

Aniya, ang netizen ang nabubulagan sa sitwasyon dahil inakusahan ang kanyang anak dahil lamang sa isang "harmless photo."

Buong komento ni Marjorie: “ikaw yata ang naloko nila.

"Based on a harmless photo, naging mang aagaw na si Julia? You’re so affected.

"The person who is circulating that is even hiding under a dummy account. You mean that person has more credibility?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Marjorie, “Julia is strong. Don’t worry. We will come out with a statement.”

Isang netizen din ang nagpahayag ng obserbasyon na deactivated na ang account ng netizen na nagpakalat ng paparazzi shot nina Julia at Gerald.

Sumagot naman si Marjorie at sinabing tinuruan niya ang kanyang mga anak na huwag magpa-bully.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEA REACTS TO PHOTO OF JULIA AND GERALD TOGETHER

Nitong July 21, Linggo, nag-post ng matalinhagang pahayag si Bea na pinaniniwalaang reaksiyon niya sa kumakalat na balitang may namamagitan kina Gerald at Julia.

Kapansin-pansin din ang pag-like ni Bea sa post ng netizen tungkol sa picture nina Julia at Gerald na magkasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malamang post ni Bea: "'you can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice'

"ENOUGH."

Naging makahulugan din ang Instagram Story ni Joshua Garcia, ang dating boyfriend ni Julia, kung saan kinumpirma nila ang kanilang pagbi-break noong nakaraang buwan. 

Napansin din ng netizens ang pag-like ni Joshua sa recent post ni Bea.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close