Dani Barretto defends Julia Barretto from cheating allegations

IMAGE Noel Orsal / @danibarretto Instagram

Dani Barretto (right photo) slams netizens accusing sister Julia Barretto (left photo) of being the alleged third party in Bea Alonzo-Gerald Anderson reported breakup.


Mariing inalmahan ni Dani Barretto ang pagkakadawit ng nakababata niyang kapatid na si Julia Barretto sa kontrobersiya sangkot sina Gerald Anderson at Bea Alonzo. 

Ngayong Lunes, July 22, nanindigan si Dani na walang katotohanan ang akusasyong si Julia ang dahilan ng balitang hiwalayan nina Gerald at Bea. 

Kinumpirma ni Dani na nagkasama sa isang party sina Julia at Gerald, pero hindi raw ito sapat na katibayan para sabihing may namamagitan sa dalawa. 

Sabi niya, "Nag usap lang sa party, at may chismosang nag decide mag picture, cheating na agad?

"Bawal mag Hi sa isa't isa? Bawal magkamustahan? Cheating na agad yun?!"

Paglilinaw ni Dani, hindi nakapagtatakang mag-usap sina Gerald at Julia dahil naging co-stars sila sa pelikulang Between Maybes, na ipinalabas noong Mayo. 

"they worked together!! Of course they're friends! PATI YUN BAWAL NA DIN?"

Sa hiwalay na tweet ni Dani, sinagot din niya ang isang netizen na nagtanong tungkol sa isyung namataan sina Gerald at Julia na magkasamang sumakay sa iisang kotse pagkatapos ng dinaluhan nilang party. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Komento ng netizen: "Pero Ms. @barettodaniii ang claim ng naglabas ng pics after the party na yun outside the bar they went inside one car daw and Bea Alonzo liked all related posts and comments."

Buwelta ni Dani sa nagpakalat umano ng litrato nina Julia at Gerald: 

"Of course she will say that!!! Her photos can't back up her allegations!

"Have you seen the photos? There is nothing wrong with them. It is just two people talking.

"What is so wrong about that?" 

Naka-private ang Twitter account ni Dani, pero may ilang netizens ang nag-repost ng kanyang tweets sa social media. 

GERALD-JULIA SIGHTING; BEA ABSENT IN PARTY

Kahapon, July 21, lumikha ng ingay sa social media ang pag-like ni Bea sa mga kumalat na litrato kung saan magkasama sina Gerald at Julia. 

Base sa mga litrato, dumalo sina Gerald at Julia sa birthday party ng Kapuso actor na si Rayver Cruz, malapit na kaibigan ni Gerald. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakalap ng netizens ang screenshot kunsaan makikitang naroon din sa party ang kapatid ni Julia na si Dani. 

Malinaw na hindi dumalo si Bea sa party na iyon.

BEA'S CRYPTIC POSTS

Kasabay ng kumalat na litrato nina Julia at Gerald, nag-post naman si Bea ng magkakasunod na malamang mensahe sa Instagram

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Base rito, ipinahiwatig ni Bea na sukdulan na kung palalampasin pa niya ang isang pagkakamaling naulit sa ikalawang pagkakataon.

Kasunod nito ay ni-like din ni Bea ang cryptic posts niya sa Instagram na ni-repost sa Instagram accounts ng kanyang mga masugid na tagasuporta. 

Sa kabilang banda, naiulat din ang pag-like ng ex-boyfriend ni Julia na si Joshua Garcia sa isang kontrobersiyal na Instagram post ni Bea. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May matalinhagang Instagram Stories din si Joshua tungkol sa natapos na relasyon at pagkakaroon ng bagong pag-ibig. 


Stories We Are Tracking

Joshua Garcia reacts to Bea Alonzo cryptic post amid Julia-Gerald romance rumors
Joshua Garcia reacts to Bea Alonzo cryptic post amid Julia-Gerald romance rumors
Ipinagpalit ba ni Gerald Anderson si Bea Alonzo kay Julia Barretto?
Ipinagpalit ba ni Gerald Anderson si Bea Alonzo kay Julia Barretto?
Bea Alonzo posts cryptic message on Instagram; fuels rumors of breakup with Gerald Anderson
Bea Alonzo posts cryptic message on Instagram; fuels rumors of breakup with Gerald Anderson
John Lloyd Cruz, Bea Alonzo spotted together in El Nido, Palawan
John Lloyd Cruz, Bea Alonzo spotted together in El Nido, Palawan


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close