Starstruck winner Mike Tan plays Choi in "Marimar"


"Alam ko na marami kami ngayong mga bagong artista sa GMA-7. Ina-admit ko na mas magagaling sa akin ‘yung iba. Pero okay lang ‘yon. Ganun naman talaga, di ba? Mas challenging ‘yon para sa akin," says Mike Tan about his showbiz career.



Iginiit ni Mike Tan na hindi siya frustrated sa kanyang career ngayon. Kahit hindi pa raw siya nabibigyan ng chance magbida sa isang show tulad ng mga kapwa niya StarStruck winners na sina Mark Herras at Marky Cielo, kuntento naman daw siya sa mga trabahong ibinibigay sa kanya ng GMA-7.



Nagpapasalamat nga si Mike na hindi siya nawawalan ng trabaho. Basta may maibigay sa kanya ay masaya na raw siya.



"Hindi naman ako mareklamong tao, e," sabi ni Mike sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Alam ko na marami kami ngayong mga bagong artista sa GMA-7. Ina-admit ko na mas magagaling sa akin ‘yung iba. Pero okay lang ‘yon. Ganun naman talaga, di ba? Mas challenging ‘yon para sa akin."



Kasama sa cast ng Marimar si Mike bilang si Choi. Though hindi pa siya nakakapag-taping, natutuwa siya't isinama siya sa nangungunang teleserye ngayon sa primetime.



Bukod sa Marimar ay busy rin si Mike sa grupong Studs. Sunud-sunod nga raw ang mga shows nila sa iba't ibang lugar dahil sa magandang feedback sa performances nila.



"Ibang raket naman kasi ‘yung Studs, e," sabi ni Mike. "Nate-train kami na maging mahusay na performers. Maganda naman ang mga sinasabi nila sa amin kahit na hindi pa kami mga professional singers.



"Right now, nagte-train kami professionally para mahasa kami. Magkakaroon kami ng album kapag ready na kami. Ang maganda pang balita ay we're getting offers to perform abroad. Sana nga matuloy ang mga ‘yon kasi malaking tulong iyon for the group.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN