Gerald Anderson apologizes for unintended snubbing of showbiz writer


"Wala pa naman akong napapatunayan para magbago na ako o lumaki na po ‘yung ulo ko. Kung sakaling may napatunayan na po ako, hindi naman po ‘yon magiging dahilan para magbago ako," says Gerald Anderson about criticism that his popularity has gone to his head.



May mga naisulat na balita na yumabang na raw ang young actor na si Gerald Anderson mula nang sumikat siya. Hindi na raw ito nakakakilala ng mga taong nakatulong sa kanya, lalo na ang entertainment press, nung nagsisimula pa lang siya sa showbiz. May isang insidente nga raw na dinedma niya ang isang showbiz writer na kilala niya nang makita niya ito sa isang okasyon. Sumama raw ang loob ng naturang writer sa kanya.

Sinagot ni Gerald ang bagong isyu na ito sa kanya nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last August 19 pagkatapos ng ASAP ‘07.

"Medyo malabo po kasi ‘yung mga mata ko. Hindi ko po siguro siya nakita. Kung nakita ko po siya, ba't hindi ko naman po siya babatiin, di ba? Hindi naman po ako isnaberong tao, e," paliwanag ni Gerald.

"Saka bakit naman po ako magbabago? Wala pa naman akong napapatunayan para magbago na ako o lumaki na po ‘yung ulo ko. Kung sakaling may napatunayan na po ako, hindi naman po ‘yon magiging dahilan para magbago ako. Ewan ko po sa ibang mga tao kung bakit nasabi nilang nagbago na ako samantalang hindi naman po talaga. Promise!"

Humihingi ng paumanhin si Gerald sa showbiz writer na hindi niya nabati.

"Sorry po kung hindi ko man siya nabati. Pero hindi ko po talaga sinadya ‘yon, "giit niya.

Sa ngayon daw ay hindi na malabo ang mga mata ni Gerald dahil ipina-laser niya na ito.

"Sa Asian Eye Institute po, dun sa Rockwell ako nagpa-laser," sabi niya.

Samantala, kinamusta ng PEP ang pelikulang ginagawa ni Gerald with his loveteam Kim Chiu, ang I've Fallen For You mula sa Star Cinema.

"Next week matatapos na po 'yung movie namin," sabi niya bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN