SexBomb Izzy Tirazona now cured of dengue fever


SexBomb Girl Izzy Tirazona had high fever and collapsed during a taping of Daisy Siete last week. Rushed to a hospital, she was diagnosed to be infected with the deadly dengue fever.



Nagpadala ng mensahe sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager ng SexBomb na si Joy Cancio at sinabi nitong ligtas na sa sakit na dengue ang isa sa mga miyembro ng naturang all-female group na si Izzy Tirazona.



Matatandaang last week ay inatake ng sakit na dengue si Izzy habang nagte-taping ng Daisy Siete. Basta na lang sumama ang pakiramdam niya at nanlamig siya, sabay nawalan ng malay.



Hindi nga raw alam ni Izzy kung saan niya iyon nakuha. Baka raw sa isang raket nila sa probinsiya ay nakagat siya ng lamok na naging dahilan ng kanyang dengue.



Ayon kay Joy, noong una raw ay hindi pa alam ni Izzy na may sakit siyang dengue dahil nagte-taping pa rin siya kahit na masama ang pakiramdam niya. Akala niya ay simpleng pagod lang ‘yon dahil bukod nga sa Daisy Siete ay meron pa silang Tok! Tok! Tok! Isang Milyong Pasok, Eat Bulaga, at mga mall shows.



"Masipag kasi ang mga SexBomb Girls," sabi ni Joy. "Kahit na pagod na ang mga ‘yan, trabaho pa rin. Ako na ang nagsasabi minsan sa kanila na kapag di na kaya ng katawan nila, pahinga muna sila. Ayoko kasing nagkakasakit sila tapos ako ang masisisisi. Ako rin kasi ang mag-aalala for them.



"Si Izzy kasi, isa ‘yan sa masipag rumaket. Kahit na may tatlong TV shows ‘yan, gustung-gusto niyang sumama sa mga mall shows at provincial shows. Part kasi siya ng SexBomb Singers kaya ayaw niyang um-absent. Kahit na masama na ang pakiramdam niyan, trabaho pa rin kasi enjoy daw siya. Hindi ko alam na grabe na pala ang sakit niya, di siya nagsasabi," kuwento pa ng SexBomb manager.



Dagdag pa ni Joy, isang taping day daw ng Daisy Siete ay mataas ang lagnat ni Izzy pero pinilit pa rin niyang mag-taping para hindi siya maging abala. Pero sa set na nga hinimatay si Izzy at sinugod siya sa ospital at napag-alaman na may dengue siya. Nagtsi-chill na raw si Izzy nang dalhin nila sa ospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Akala ng mga kasamahan niya ay dahil sa init ng panahon kaya nahimatay si Izzy. E, ang taas na pala ng lagnat, di nagsasabi. Noong nasa ospital na nangangatog ang katawan. May mga symptoms of dengue na pala siya. Buti na lang at naagapan or else, baka mabungian ang SexBomb Girls at maiiba ang takbo ng Daisy Siete ngayong 16th season namin," lahad ni Joy.



Ngayon ay inilabas na sa ospital si Izzy at okay na raw siya. Nagpapasalamat si Joy sa mga dasal at suporta mula sa mga tao na sumusuporta kay Izzy at sa SexBomb Girls.



"Kaya pangaral ko ulit sa kanila, na kapag may nararamdaman silang masama sa katawan, sabihin lang nila sa akin or sa mga kasamahan nila para walang problema. Huwag silang matakot na mawalan ng kikitain kasi gagawa tayo ng paraan para makabawi sila. Gusto ko lang ay malulusog sila at ligtas sa mga sakit," pagtatapos ni Joy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN