Sam Milby remains silent about real score with Anne Curtis


Sam Milby and Anne Curtis, who came together to the recent Star Magic Ball, were seen having an argument. It was a small misunderstanding, says Sam, but he refuses elaborate or to admit rumors that they're more than just friends.



Gaya ng kasabihang "kung may usok, may apoy," sa kabila ng pagde-deny ng mga hinahangaan nating mga artista tungkol sa mga itinatago nilang katotohanan sa publiko, madalas ay nahuhuli rin sila sa mismong mga kilos nila at sa hindi naiiwasang mga pangyayari.



Tulad na lang ng relasyong Anne Curtis at Sam Milby. Noon pa ay consistent na idinidenay ng dalawa na walang relasyong namamagitan sa kanila kundi pure friendship lang. Lumikha ng kontrobersiya at puna ang kanilang slight misunderstanding sa nakaraang Star Magic Ball, kung saan sabay silang dumating at nagsilbing escort ng young actress ang Fil-Am young singer-actor.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Sunday, August 19, kay Sam sa ASAP '07, hindi niya ikinaila na talagang nagkaroon ng munting gulo sa pagitan nila ni Anne nang gabing iyon, pero naayos naman daw nila ito agad.

Nilinaw ni Sam na walang breakup na nangyari sa kanila ni Anne dahil hindi naman sila mag-boyfriend gaya ng iniisip ng mga tao.



"People have the wrong understanding because you can't truly have a breakup with someone without actually being together. I have a lot of women close to me and Anne is definitely one of them. I'm definitely not closing any doors to any possibilities, we never know, it can lead into something but we're just friends right now," paliwanag niya.

Hindi pa rin malinaw ang rason ng sinasabing slight misunderstranding nina Sam at Ann noong Star Magic Ball. Nang tanungin ng PEP si Sam kung totoong dahil ba selos, nag-deny agad si Sam at naging firm ito sa desisyon na manahimik na lang sa totoong nangyari.



"Not because of jealousy, nothing about that at all," sabi niya. "That's where I think I'd like to draw a line between saying too much. I don't really feel that people really need to know the details anyway. It was a small misunderstanding, it was nothing at all."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado rin si Sam na sa itinatakbo ng pagkakaibigan nila ni Anne ay normal na sa kanila ang nagkakaroon ng maliliit na away at hindi pagkakaindindihan, pero sa bandang huli ay agad ding naaayos ang mga ito.



"Now and then, you do have misunderstandings and arguments between two friends. I don't feel like elaborating [on] the common reasons. Well, there's nothing in particular. You see by the end of the line, we're perfectly fine," paliwanag niya.

Bukod sa ASAP '07 ay busy rin ngayon si Sam sa pagre-record ng kanyang bagong album para sa Star Records. Nag-story conference na rin sila para sa Book 2 ng Maging Sino Ka Man.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN