Luis Manzano confesses long-time crush on Angel Locsin


"Dati napapanood ko lang siya sa kabilang istasyon, but there's more to her than meets the eye. She's a very, very nice person to know. There are people na hindi lang beauty na panlabas ang mayroon, mas busilak ang loob nila—‘yon si Angel," says Luis Manzano about Angel Locsin.



Kung inaakala ng iba na mauuwi sa isang seryosohang relasyon ang nabalitang paglabas-labas noon nina Luis Manzano at Mariel Rodriguez, mukhang hanggang sa pagkakaibigan lang talaga aabutin ang samahan ng dalawa. Balitang-balita kasi ngayon na si Angel Locsin na raw ang bagong dinidiskartehan ng young TV host-actor.

Nang maging celebrity contestant ng Kapamilya Deal Or No Deal si Angel Locsin ay pinanood din ni Luis ang taping ng bagong Kapamilya star. Inamin din ni Luis sa naturang game show ni Kris Aquino na crush niya si Angel.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Luis last Sunday, August 19, sa ASAP ‘07 ay sinabi ni Luis na alam niya ang hirap na pinagdaraanan ni Angel kaugnay ng kanyang kontrobersiyal na paglipat mula sa GMA-7. Pero hindi rin itinago ni Luis ang kasiyahan na makakasama na niya ngayon sa bakuran ng ABS-CBN ang isa sa matagal na niyang hinahangaan.



"Nangyari na ‘yan kay Toni [Gonzaga], nakilala ko siya, nasa GMA-7 pa lang siya, so alam ko ‘yung dilemma ng paglipat. But I must admit, masaya ako kasi, wow, bagong Kapamilya and finally, di ako magiging ipokrito, makikilala ko na ang crush ko, di ba?" nakangiting sabi ni Luis.

Balita rin na bukod sa binantayan niya sa taping ng Deal or No Deal si Angel ay kumain din pala sila sa labas. Hindi naman ito itinanggi ni Luis.



"Nandun ako sa taping ni Angel kasi kasunod niya is Mommy ko [Batangas Governor Vilma Santos]. Late si Mommy so nanood na rin ako. Pero gusto ko ring mapanood din si Angel talaga," pag-amin ng binata.



"Tungkol naman dun sa kumain kami sa labas, it happened the day before her contract signing in ABS. Galing siya sa isang meeting dito. Magka-text kami, inaya ko siyang kumain. Sabi niya, nasa meeting daw siya. Sabi ko, after meeting, magkita kami. Kumain kami dito lang, sa Grams," kuwento pa ni Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago pa man pala pumutok ang balita ng paglabas nila ni Angel, naikuwento sa amin ni Luis na nagkakilala na pala sila ng young actress. Nagtsa-chat na raw sila sa Internet kahit nasa London pa lang si Angel.



"Nakilala ko siya one time. May hosting ako with one of the companies that she works with, pero dun sa States kami mas nagkakilala. Party ng producer, kilala ng pinsan niya ‘yung producer, nandun ako no'n so nagkita kami. Lumipad siya pa-London, ako naman, bumalik na ako dito pero nagtsa-chat na kami. Pag nagkakataymingan na pareho kaming naka-online, nagtsa-chat kami," lahad ni Luis.



Hindi itinanggi ni Luis na matagal na talaga niyang crush si Angel. Isang paghanga na ayon sa actor ay lalong lumalalim habang nakikilala niya ang dalaga.



"Dati napapanood ko lang siya sa kabilang istasyon, but there's more to her than meets the eye. She's a very, very nice person to know. There are people na hindi lang beauty na panlabas ang mayroon, mas busilak ang loob nila—‘yon si Angel.



"Tinanong nga ako ni Kris sa Deal Or No Deal kung crush ko raw ba si Angel. Sabi ko, kahit nung nasa kabila pa siya and kahit naman siguro taga-Channel 4, 9 or 13, crush si Angel. So I wasn't surprised na siya ang naging reyna ng 7," sabi ni Luis.

Sa magandang pagkakilala at higit pang paglalim ng pagkakaibigan nila ni Angel, mauuwi kaya sa ligawan ang lahat?



"Like I've said, all doors are open on my side, on her side. I won't be surprised if bigla na lang ako na may makilala tonight, today, tomorrow. On her side naman, ang dami-daming nangyayari sa buhay niya.



"Sabi ko nga, I'm not getting any younger. Siguro kung manliligaw uli ako, ‘yung pang-matagalan na. If possible to have na my own family, kaya I'm just waiting for that feeling and person to come," pahayag ni Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN