Say Alonzo and Sam Milby end their misunderstanding


"I don' think so, kasi matagal na kaming magkaibigan ni Sam," replies Say Alonzo when asked if it's possible to be romantically involved with "best friend" Sam Milby.



Nagdiwang ng kanyang 24th birthday noong August 6 ang Pinoy Big Brother Season 1 ex-housemate na si Say Alonzo. Wala raw kaplano-plano si Say na i-celebrate ang kanyang birthday this year. Pero laking gulat niya nang bigyan siya ng surprise party ng kanyang pinsan, ang socialite and eventologist na si GP Reyes.



"I wasn't really planning on celebrating my birthday this year kasi okay na ako sa party na ibinigay sa akin ng mga fans/supporters ko, ‘yung mga Sayers last July. Super early ang surprise party nila for me sa isang fastfood chain na kakunstaba ang Mommy ko [Mary Ann Yutadco] at si Nene [Tamayo]. So, akala ko, ‘yon na ang party ko," kuwento ni Say sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



Hindi raw akalain ni Say na hindi pa roon nagtatapos ang celebration ng kanyang birthday. Ipina-reserve kasi ng pinsan niya ang Superclub VIP room ng Embassy Bar para sa party ni Say noong Saturday, August 11.



"Most of the people that were there are friends from De La Salle-College of St. Benilde, mga cheerleaders na kasama ko dati sa CSB. Cheerleader kasi ako at sila ang barkada ko," kuwento ni Say.

Ang mga taga-showbiz na nagpunta sa birthday party ni Say ay sina Mich Dulce, Luke Jickain, Keanna Reeves, Joseph Bitangcol, Polo Ravales, JM Rodriguez, ang co-stars niya sa My Kuya's Wedding na sina Jason Abalos at Frank Garcia, at ang best friend niyang si Sam Milby.

"Sam was there with a nice gift na hawak-hawak pa niya sa loob ng Embassy VIP room," sabi ni Say.

"May mga hindi rin na-invite ang pinsan ko kasi hindi naman niya kilala lahat ng friends ko, so ‘yon lang mga kilala niya and ka-close ko. Si Uma [Khouny] and Jason [Gainza] nasa Leyte for Trip na Trip kaya hindi nakapunta. The party started early and ended late, pero all in all masaya naman lahat ng tao. It was a blast!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natuwa si Say na hindi nakalimutan ni Sam ang kanyang birthday. Patunay lang ito na wala na talaga silang gap ng co-housemate niya sa Bahay ni Kuya. Last month kasi ay nagkaroon ng tampuhan ang mag-best friend at ito ay may kinalaman nang mabangga ang kotseng minamaneho ni Sam.

"Binati niya ako nung birthday mo, Tita," pagpapaalala ni Say. "Pero ayoko pa sana siyang batiin doon dahil medyo hurt pa ako. Hindi ko sinasagot most of his text sa akin during that time. Pero mabuti na lang he came to my birthday party which I appreciated naman."

Nilinaw ni Say na walang kinalaman si Anne Curtis, na napabalitang girlfriend ni Sam, sa tampuhan nila. Although aware siya na may naganap na tampuhan recently kina Anne at Sam sa Star Magic Ball noong August 5 sa Hotel Intercontinental.

"Parang bago pa naganap ‘yung aksidente ni Sam, more or less isang buwan nang nabalita sa press na silang dalawa na, di ba?" tanong ni Say na ang tinutukoy ay sina Sam at Anne.

Ngayong wala na nga raw sina Anne at Sam, hindi kaya sila naman ang matsismis ulit?

"I don' think so, kasi matagal na kaming magkaibigan ni Sam," sagot ni Say.

Birthday gift na maituturing ni Say ang pagkakaroon niya ng bagong project sa ABS-CBN. Pasok na si Say bilang kontrabida sa teleseryeng Margarita na pinagbibidahan ng PBB Season 2nd runner-up na si Wendy Valdez.

"First time ko maging kontrabida na kaiinisan ng tao. Leslie ang name ko dun at talagang inaasar ko si Margarita," kuwento ni Say tungkol sa kanyang character.



Nasa new show din siya sa Studio 23 na Rush TV. Kasama rin si Say sa My Kuya's Wedding nina Maja Salvador at Ryan Agoncillo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN