Iwa Moto gets favorable responses for her contravida role


"Pero happy rin po ako kahit nagagalit sila sa akin. Nagpapasalamat ako sa kanila dahil ang ibig sabihin, pasado ang acting ko," says Iwa Moto about the reactions she gets for her contravida role in Kung Mahawi Man ang Ulap.



Sa Kapuso Day celebration ng 2007 Kadayawan Festival last Friday, August 17, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang StarStruck First Princess na si Iwa Moto.

Gumaganap na kontrabida si Iwa sa afternoon soap opera ng GMA-7 na Kung Mahawi Man ang Ulap. Tinanong namin si Iwa kung may nakakasalubong na ba siyang mga tao na tila galit na galit sa kanya dahil sa ginagampanan niyang role.



"Marami na po," sagot ni Iwa. "Minsan po sa mall, may matandang lumapit sa akin at sabi niya ‘Ang sama-sama mo, lagi mong inaapi si Katherine [Nadine Samonte]!' Minsan naman, may nangurot pa sa akin, ang salbahe ko raw. Kaya ang sagot ko na lang sa kanila, hindi ako ‘yon kundi ang character kong ginagampanan bilang si Rita.

"Pero happy rin po ako kahit nagagalit sila sa akin. Nagpapasalamat ako sa kanila dahil ang ibig sabihin, pasado ang acting ko. Pero may pressure din po sa akin ang pagganap sa role dahil nakakahiya naman kay Ms. Amy Austria, na siyang unang gumanap sa role sa movie, kung hindi ko pagbubutihin ang pag-arte ko. Napanood ko po ang DVD ng Kung Mahawi Ang Ulap kaya nakita ko kung gaano kahusay ang acting ni Ms. Amy," pahayag ng young actress na ang tinutukoy ang original Viva Films movie na pinagbasehan ng kanilang serye.

Samantala, nilinaw na rin ng PEP kay Iwa ang balitang after ni Yexel Sebastian ay si Wesley Gatchalian—kapatid ni Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian na boyfriend ni Pauleen Luna—ang boyfriend niya ngayon.

"Ay, hindi po," mariing tanggi ni Iwa. "Hindi naman po siya nanligaw sa akin. Talagang friends lang kami. Matagal ko na rin siyang hindi nakikita kasi bisi-bisihan po ako talaga ngayon."

Ayon kay Iwa, bukod sa Kung Mahawi Man ang Ulap ay magsisimula na rin siyang mag-taping para sa bagong fantaserye ng GMA-7 na Zaido, kung saan gaganap siya bilang isa sa mga amazona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Thankful si Iwa sa lahat ng blessings na dumarating sa kanya after StarStruck 3. Hindi raw niya in-expect na kahit hindi siya ang nanalo ay nagkasunud-sunod din naman ang projects niya sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN