Joshua Garcia asked about Julia Barretto cheating allegations

IMAGE @starmagicphils Twitter / @cabrera.kathbealove Instagram

At the airport, Joshua Garcia gets asked about ex-girlfriend Julia Barretto's alleged involvement in Gerald Anderson's breakup with Bea Alonzo.


Diretsahang hiningan ng komento si Joshua Garcia tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng ex-girlfriend niyang si Julia Barretto

Tampok ng espekulasyon sa social media na si Julia ang dahilan diumano ng hiwalayan ng magkasintahang Bea Alonzo at Gerald Anderson. 

Naniniwala ba si Joshua sa alegasyong ipinupukol kay Julia? 

"Di ko masasagot yun, e," kalmadong saad ni Joshua. 

"Siguro lahat naman ng tao, may kanya-kanyang opinyon sa nangyaring issue." 

Kahit papaano ay naapektuhan daw si Joshua sa natatanggap na matinding pambabatikos sa dating nobya.

"Sa mga intriga, siyempre naging karelasyon ko rin si Julia.

"Nasasaktan ako for her and sa nangyayari.

"Pero I think makakabangon naman siya." 

Nakapanayam si Joshua ng ABS-CBN entertainment news reporter na si MJ Felipe sa Ninoy Aquino International Airport, Huwebes ng gabi, August 1. 

Doon ay nagkrus ang landas nina Joshua at Julia na nakunan pa ng litrato bago sila lumipad patungong San Francisco, California, kunsaan gaganapin ang show ng Kapamilya Sunday musical-variety show na ASAP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inaasahang may mga pagsasamahan pang work-related events ang dalawa dahil pinagbibidahan nila ang upcoming horror film na Block Z. 

Sandaling nakapanayam din ng ABS-CBN News si Julia sa airport, pero sadyang iniwasan nito ang tanong kung paano niya hina-handle ang kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon.

JOSHUA AND JULIA'S BREAKUP 

Noon lamang April sila opisyal na umamin na dalawang taon na silang magkasintahan. 

Pero nang sumunod na buwan, sila ang hinihinalang laman ng blind items tungkol sa magkasintahang nagkakaalitan dahil diumano sa isyung may kinalaman sa isa pang celebrity couple. 

May mga lumabas ding bali-balita na sina Joshua at Julia ang celebrity couple na hirap magtrabaho sa set ng ginagawa nilang pelikula dahil sa personal na alitan.

Hanggang sa noong June 28, kinumpirma nilang bumalik sila sa pagiging "bestest of friends."

July 4 naman nang tuwirang inamin ni Joshua sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hiwalay na sila ni Julia, pero siniguro ng binata na maayos silang nagkausap. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEA REVEALS HOW BOYFRIEND GERALD GHOSTED HER

Sa kabilang banda, July 21 nang pumutok sa social media ang sunud-sunod na Instagram post at Instagram Stories ni Bea tungkol sa pagkakamaling nagawa sa kanya sa ikalawang pagkakataon. 

Ipinahiwatig ni Bea na tapos na ang pagpapakamartir niya sa isang di pinangalanang personalidad. 

Ang sunud-sunod ding pag-like ni Bea sa social-media posts na nag-uugnay sa boyfriend niyang si Gerald kay Julia ang naging mitsa upang maghinala ang netizens na may kinalaman dito ang isyung pinagdadaanan ng Eerie star. 

Huling namataang magkasama sina Gerald at Bea, noong June 16, sa birthday party ng anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Hanggang sa noong July 9, diretsahang inamin ni Bea na wala silang formal breakup ni Gerald, pero bigla lang na lang daw siyang iniwan sa ere at hindi kinausap ng nobyo. 

JULIA, GERALD EVADING THE ISSUE

Sa ngayon, panay cryptic Instagram posts lang ang sagot ni Julia sa alegasyong siya ang third party sa hiwalayang Gerald at Bea. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naiulat din na parehong nag-like sina Julia at Gerald sa isang Instagram quote card tungkol sa pagkakaroon ng "two sides to every story."

Una nang nagsalita ang ina ni Julia na si Marjorie Barretto na walang katotohanan umano ang alegasyong may espesyal na ugnayan ang anak niya at si Gerald. 

Pinabulaanan din ni Marjorie ang espekulasyong lihim na nag-check in sa isang Subic hotel sina Julia at Gerald, na naging magkatambal sa pelikulang Between Maybes.  

Si Dani Baretto, nakatatandang kapatid ni Julia, ay nanindigan ding hindi raw maituturing na "cheating" ang simpleng kumustahan at pag-uusap nina Julia at Gerald. 

Kaugnay ito ng insidente kunsaan namataan sina Julia at Gerald na parehong dumalo sa birthday party ng Kapuso actor na si Rayver Cruz, noong gabi ng July 20.

Noong gabi ring iyon nakunan ng litrato sina Julia at Gerald na diumano'y sabay na umuwi at sumakay sa iisang kotse pagkatapos ng party na ginanap sa isang restobar. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa litratong ipinakita ng isang netizen, makikita ang dalawa na naglalakad papunta sa hilera ng mga nakaparadang kotse. 

Pero iyong mismong aktong parehong sumakay sina Joshua at Julia sa iisang kotse ay hindi naipakita ng netizen sa kanyang litrato. 


Stories We Are Tracking

Bea Alonzo says no formal breakup with Gerald Anderson
Bea Alonzo says no formal breakup with Gerald Anderson
Bea Alonzo likes new posts related to alleged breakup with Gerald Anderson
Bea Alonzo likes new posts related to alleged breakup with Gerald Anderson
Joshua Garcia reacts to Bea Alonzo cryptic post amid Julia-Gerald romance rumors
Joshua Garcia reacts to Bea Alonzo cryptic post amid Julia-Gerald romance rumors
Marjorie Barretto slams Julia Barretto-Gerald Anderson alleged hotel tryst
Marjorie Barretto slams Julia Barretto-Gerald Anderson alleged hotel tryst


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close