Ruffa Gutierrez insists she will not return to Istanbul with Yilmaz


"They are very close to their father and I don't wanna take that away from them, e. I want them to grow normal. Kaya kung paminsan-minsan may tampuhan kami ni Yilmaz, hindi ko na lang pinapahalata sa kanila," says Ruffa Gutierrez about her daughters, Lorin and Venice.



Masayang-masaya ngayon si Ruffa Gutierrez sa present set-up ng relasyon nila ng kanyang Turkish husband na si Yilmaz Bektas. Nakikita raw kasi niya kung gaano kasaya ang kanilang dalawang anak na sina Lorin at Venice sa piling ng kanilang ama na matagal ding nawalay sa kanila pagkatapos niyang lisanin ang Istanbul at makipaghiwalay kay Yilmaz.



Sa guesting ni Ruffa sa morning talk show nina Boy Abunda at Kris Aquino sa ABS-CBN na Boy & Kris kahapon, August 21, ay sinabi ng actress-TV host na tuwang-tuwa siyang nakikita ang kanyang mga anak na masayang yakap-yakap ang kanilang ama.



"Seriously, siguro ang masasabi ko ngayon, I'm happy because my kids are happy and I would like to put my happiness aside for the happiness of my kids," sabi ni Ruffa.



Buo ang pamilya ni Ruffa ngayon at kung ano man daw ang susunod na mangyayari ay hinahayaan na lamang ito sa gustong mangyari ng Maykapal. Kaya naman kung may tampuhan silang dalawa ni Yilmaz paminsan-minsan ay hindi nito ipinapahalata sa kanilang mga anak.



"My kids are very happy," sambit ni Ruffa. "They are very close to their father and I don't wanna take that away from them, e. I want them to grow normal. Kaya kung paminsan-minsan may tampuhan kami ni Yilmaz, hindi ko na lang pinapahalata sa kanila."



Kuwento pa ni Ruffa, may mga pagkakataon din daw na kahit mahimbing na sa pagkakatulog si Yilmaz ay kuntento na ang kanilang mga anak na tinititigan ito, na hinahayaan naman niya.



Tinanong ni Kris si Ruffa at kung sasama ba siya sa kanyang asawa pabalik sa Istanbul kung wala itong napirmahang kontrata sa ABS-CBN.

"No. I'm not," mabilis niyang tugon. "No pa rin, but maybe I can encourage him to live here with us."



Naging emosyonal si Ruffa dahil nasabi nito earlier na kung saan masaya ang kanyang mga anak ay doon siya magiging napakasaya. Naisip ni Ruffa na sa pagbabalik ng asawa sa Istanbul ay tiyak na ikalulungkot ito ng kanyang mga anak, lalo na't nakapagdesisyon na si Ruffa na manatili sa Pilipinas kasama ang kanyang dalawang prinsesa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN