Paulo Avelino explains reason behind "Na Bea Alonzo ka na ba" tweet

IMAGE Noel Orsal

Paulo Avelino caught the attention of netizens when he tweeted "Na Bea Alonzo ka na ba bes?" at the height of the issue involving Bea, Gerald Anderson, and Julia Barretto.


Ipinaliwanag ni Paulo Avelino ang dahilan ng kanyang controversial tweet na naging trending topic noong nakaraang linggo.

Noong July 26, nag-post si Paulo sa Twitter ng mensaheng ito: "Na Bea Alonzo ka na ba bes? #ghosting"

Nakaagaw ng pansin ang tweet ni Paulo dahil may kinalaman ito sa isyung kinasasangkutan nina Bea Alonzo, Gerald Anderson, at Julia Barretto.  

Malinaw na ang tweet ni Paulo ay pagpapakita ng suporta sa kaibigang si Bea dahil nag-tweet ang aktor sa kasagsagan ng kontrobersiya.

Maging ang salitang “ghosting” ay nag-trend pa kinabukasan, July 27, Sabado.

Ang “ghosting” ay millennial term na tumutukoy sa pag-iwan sa ere o biglang hindi pagpaparamdam ng isang tao sa kanyang karelasyon o kung kanino man ito nakikipagmabutihan.

Bukod sa kanyang tweet, nag-post din si Paulo ng short video ni Bea via Instagram.

Nagtambal sina Paulo at Bea sa prime-time teleseryeng Sana Bukas Pa ang Kahapon (2014) at sa pelikulang Kasal (2018).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PAULO EXPLAINS REASON BEHIND HIS TWEET

Halatang hindi inasahan ni Paulo na pag-uusapan ang kanyang tweet.

Sa panayam ng ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe kay Paulo nitong August 1, Huwebes, sinabi ng aktor ang intensiyon niya nang gawin ang tweet.

Aniya, “It doesn’t really matter if it trends or not. It’s just to make everything lighter.”

Nagbigay rin ng maiksing pahayag si Paulo tungkol sa kalagayan ni Bea nang huli silang mag-usap.

“Mukhang okay naman siya. She’s getting better,” pag-a-update niya.

Kinumpirma rin ni Paulo ang pagkikita nila ni Bea, pati na ng iba pang Kapamilya stars, sa ABS-CBN trade launch sa PICC Forum, Pasay City, noong July 23.

“Yeah, after [the] trade launch, so together with Angel and some other stars,” sabi ng aktor.

Pagkatapos ng trade launch, nag-post si Angel Locsin ng larawan kasama si Bea, pati na rin sina Paulo, Angelica Panganiban, JC de Vera, Bela Padilla, Ejay Falcon, Ivana Alawi, Ketchup Eusebio, at si Dreamscape Entertainment Head Deo Endrinal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makahulugan pang caption ng star ng The General’s Daughter sa larawan, “#ParaKayB,” na malinaw na pagpapahayag ng suporta kay Bea.

Sina Angel at Paulo ang ilan sa mga nagpakita ng suporta kay Bea sa kinahaharap nitong isyu.

Umabot pa nga sa puntong tinawag na “sawsawero’t sawsawera” ng netizens sina Angel at Paulo.

THE ISSUE

Patuloy pa ring pinag-uusapan sa showbiz ang isyung kinasasangkutan nina Bea, Gerald, at Julia.

Pumutok ang kontrobersiya nang kumalat sa Instagram noong July 21, Linggo, ang mga larawan nina Gerald at Julia.

Ayon sa nag-upload ng photos, nakunang magkasama sina Gerald at Julia matapos dumalo sa birthday celebration ni Rayver Cruz sa Taguig City.

Sinabi pa ng netizen na sumakay sa iisang kotse sina Gerald at Julia.

Inakusahan din ng netizen si Gerald na nagtaksil sa girlfriend na si Bea Alonzo.

Sinabi ni Bea sa isang interview noong July 26 na wala silang formal breakup ni Gerald at bigla na lang tumigil ang aktor sa pakikipag-usap sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa rin nagsasalita si Julia tungkol sa isyu, subalit may mga post ang dalaga tungkol sa hindi pagpapaapekto sa kaguluhan.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close