Is model Chelsea Robato the reason why Benjamin Alves is "really happy" lately?

IMAGE Instagram

Benjamin Alves on being happy: "I’ve been happy lately, I’ve been really happy lately. But I can’t tell you when."


Obvious na in love si Benjamin Alves base sa social media posts niya kasama ang modelong si Chelsea Robato, na tulad niya ay taga-Guam.

“I’ll just say na I’m happy, and I’ll keep it at that,” napangiting sambit ni Benjamin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Hulyo 30, Martes, sa 17th Floor ng GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City.

“Na kung ano pong makita online... We don’t... you know, there’s no... wala naman kaming itinatago online, but iyon na po yun, for now.”

Gaano katagal na siyang happy?

Tumawa muna si Benjamin bago sumagot.

“I’ve always been happy. I’ve always been appreciative of where I’m going, or how my life is going.

“I’ve been happy lately, I’ve been really happy lately. But I can’t tell you when.”

Nagpapasalamat ba si Benjamin na matapos ang malungkot na kabanata sa buhay niya—ang pagpanaw ng kanyang amang si Eribert “Ebet” Sapida noong Oktubre 2018—dumating si Chelsea para pasayahin siyang muli?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng Kapuso actor, “I don’t think losing my dad would ever go away.

"Parang wala naman pong makakatakip dun, e.

“And I don’t think it’s anybody’s responsibility but mine to be happy.

“And kung ano po yung lungkot na naramdaman ko tungkol kay Daddy, that’s not anybody’s responsibility, to get me out of that road. Sa akin po yun.

“First and foremost, I have to be happy with myself and I have to accept myself.

"So, because of that, everything else is great, you know.

“Again, I choose not to talk about it.

"I think I’ve said enough on the online [posts]... so, iyon na po yun.

“But it’s no one’s responsibility but your own to be happy.”

Ilang percent siyang happy?

“Oh, hundred!” bulalas ni Benjamin.

HATERS OF HIS ROLE AS ELDON

Sa husay ni Benjamin sa Dahil Sa Pag-ibig ay may haters na si Eldon sa social media. Ano ang masasabi niya tungkol sa haters?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala… I love it! Nakakatuwa po, kasi yung galit sila, pero natutuwa sila so parang...

"Ako naman po, whatever emotion you get out of the show basta you’re affected by it and you’re captivated by the show, iyon nga, galit ka pero hindi mo naman ino-off yung TV, that’s a great sign for us.

“And it’s so nice when we go outside of the show, when we visit or do mall shows and things like that, it’s one thing for them to tell you that they love the story, but for them to congratulate you, that you’re doing a performance that they enjoy, iyon yun, e!

“Iyon yung pinagpapaguran mo e, pinagpupuyatan mo, na it’s such a rewarding experience.

“So it’s a joy for them to watch.”

ACTING WORKSHOP

Sumailalim muli si Benjamin sa Bova Acting Worshop ng acting coach na si Anthony Bova.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Everytime Anthony comes to Manila, there’s something that we discover about ourselves.

"And bagong timpla, bagong technique, so iyon, I’m excited," matamang lahad ni Benjamin.

“I’m excited to learn, I’m excited to fail, if anything!

"Kasi you know, you discover so many things about your craft that way. So iyon."

Sa palagay ni Benjamin, kailangan pa ba niya ang acting workshops?

“Oh yeah, oo!” sagot ng aktor.

Bakit kailangan pa niyang mag-acting workshop?

“I think it would be disastrous, I should stop acting if I think na I’m already good.

“Kahit po doktor, di ba, kahit anong trabaho, kahit nga technician, they always have to go through a conference to learn new things.

“So, it would be so bad na… how do I expect to show a new side of myself or a character kung wala akong natututunan na bago?

“So, iyon po yun. For me, no, I don’t even think I’m, you know... it’s rewarding if you’re gonna tell me, like, about portraying Eldon, it’s very rewarding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But to tell you that I’m great at it? Pag sinabi kong great na ako dun, tapos na, iyon na yun.

“Wala na akong lalampasan, may hangganan na yun. Tinuldukan mo na yun.

“You have to always learn, always learn.”

Bukod sa Dahil sa Pag-ibig, may bagong pelikula si Benjamin, ang Misterio de la Noche kasama si Solenn Heussaff, sa direksiyon ni Adolf Alix.

May special screening ito sa Agosto 4, Linggo, 6:15 P.M. sa CCP Little Theater.

Bahagi ito ng 15th Cinemalaya indie filmfest.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close