Lovely Abella not ready yet to get married despite engagement to Benj Manalo

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Lovely Abella on Benj Manalo being 'the one' for her: "Noong time na na-meet ko siya, yun ang nag-decide ako na, ito na ‘to."


Mga dalawang taon pa raw bago magpakasal ang Kapuso comedienne na Lovely Abella sa fiancé niyang si Benj Manalo.

Ito ay sa kabila ng sorpresang proposal ni Benj sa kanya noong June 11, 2019.

“Kasi, tinanong ko kung hanggang kailan ba yung kapag engaged na. Sabi nila, one to two years.

“So, dun ako sa two years!” natawang pahayag ni Lovely nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Pamana Restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City, noong July 22.

Hindi pa siya handang magpakasal?

Paliwanag ni Lovely, “Yung pagka-ready ko, alam kong nandiyan siya, e. Alam kong nandiyan ako for him.

“Pero yung wedding, yung actual, parang hindi ko pa siya nakikita, to be honest.

“I mean, okay ako na siya na, okay ako sa wedding.

“Pero, parang for me po, to be honest, mas practical po akong tao.

“Parang iniisip ko, ‘Kailangan ko bang magpakasal nang bongga or okay lang ba na yung mga family ko at friends ko, yun na lang.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Practical po kasi talaga ako. Baka po kasi after ng kasal, nganga!”

Simple lang daw ang gusting kasal ni Lovely. Kabaligtaran naman sa gustong ibigay sa kanya ni Benj.

“Gusto kasi niyang ibigay sa akin yung kasal na [bongga],” nakangiting sabi ng Sunday PinaSaya mainstay.

THE ONE FOR LOVELY

Pareho sina Lovely at Benj na mayroon nang anak sa mga dati nilang karelasyon.

Labintatlong taong gulang ang lalaking anak ni Benj, 11 years old naman ang babaeng anak ni Lovely.

May dalawang taon pa lang daw na na-annul ang kasal ni Benj sa dating asawa.

“Kaya po binibigyan ko rin siya ng pagkakataon na mag-enjoy muna,” sabi ni Lovely.

Noon pa man daw, alam na ni Lovely sa sarili na si Benj ang gusto niyang makatuluyan.

“Opo, kasi naniniwala po ako na ang buhay natin, tayo ang nagdedesisyon.

“Naniniwala po ako na kung meron man kaming hindi napagkakasunduan, at the end of the day, aayusin at aayusin namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong time na na-meet ko siya, yun ang nag-decide ako na, ito na ‘to.”

Si Benj ay anak ng co-star ni Lovely sa Sunday PinaSaya na si Jose Manalo.

Ayon kay Lovely, bago mag-propose sa kanya si Benj ay nagpaalam muna ito kay Jose.

“Nagpaalam po siya, sinabi po niya.

“Pero nag-pass po yata nung proposal. Hindi po nakasama.

“Nagkikita po kasi sila every Sunday.”

Masaya si Lovely na kahit nagkahiwalay ang mga magulang ni Benj at nauwi rin sa annulment ang unang kasal nito, naniniwala pa rin ang kanyang fiancé sa kasal.

“Yes po, sobra,” pakli niya.

“Ako rin po, galing din po ako sa magulong relasyon.

“Well, hindi naman sobrang gulo, pero gumulo, e.

“So ngayon po, parang thankful ako na may tao na magtitiwala na buuin ang relasyon and, at the same time…

“Well, ayaw niya po kasing sundan yung nangyari sa family niya. 

“Naging traumatic, hindi lang sa kanya, kahit sa mga kapatid niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TANDEM WITH KAKAI

Kasama si Lovely sa cast ng Kathryn Bernardo-Alden Richards movie na Hello, Love, Goodbye.

Gumaganap siya rito bilang domestic helper. Para silang tandem ni Kakai Bautista rito at sila ang nagbibigay ng light moments.

Naba-bash si Kakai dahil daw sa sobrang sweet o closeness nito kay Alden na nakikita sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Lovely ay malapit din kay Alden, na kasama rin niya sa Sunday PinaSaya, pero bakit siya ay hindi naba-bash?

“Siguro kasi, like ako, kapag may video na kami lang, iniingatan ko, sa amin lang,” paliwanag ng comedienne.

Si Kakai, sini-share niya kasi?

“Baka po kasi ganun,” sabi ni Lovely.

“Ako po kasi, may mga pictures, may mga videos, pero binibigyan ko ng ano ang mga artista. Nirerespeto ko sila.

“Kapag may time lang na gustong magpa-picture, kasi parang yun lang ang pahinga nila.”

Lahad pa niya, “Actually, ang daming nagpapa-video greet sa akin kay Kathryn.

“Pero sinasabi ko, ‘Ita-try ko Ga, ha...’ kasi nakikita ko yung pagod nila. 

“Actually, may first picture kami ni Kathryn, hindi na ako makatiis.

“Sabi ko, ‘Puwedeng magpa-picture?’ Sabi niya, ‘Sige po, Ate.’ Ate pa ang tawag niya sa akin.

“‘Tapos sabi niya, ‘I’m so ugly, ‘Ate.’ Sabi ko, ‘Don’t worry, hindi ko ito ipu-post.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko talaga ipinost ang picture namin.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close