Ryle Santiago clarifies Hashtags members' absence in It's Showtime

IMAGE Jerry Olea

Ryle Santiago explains why many of Hashtags members no longer appear on ABS-CBN noontime show It's Showtime.


Tila kakaunti na lamang ang napapanood sa grupong Hashtags sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime. May tinanggal ba sa kanila?

“Hindi, wala pa naman!” mabilis na tanggi ni Hashtag Ryle Santiago nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng Beautederm nitong Hulyo 28, Linggo, sa Seda Hotel, Vertis North, Quezon City.

Si Ronnie Alonte ay hindi na gaanong napapanood sa It’s Showtime.

Paliwanag ni Ryle, “Alam ko kasi, si Ronnie, The General’s Daughter ang focus niya muna.

"So, yung mga may teleserye, hindi muna nakakapasok na masyado.

“Kasi, may bagong rule na kami na kapagka hindi ka nakapag-rehearse, hindi ka na makakasayaw.

"Quality control lang din para mabawasan yung pagkakamali sa sayaw, yung ganun."

Hindi raw isyu among the members ng Hashtag na may madalas absent at may laging present sa show.

Saad ni Ryle, “Kasi, nung mga panahon na kami naman yung nagteteleserye, nagkakaintindihan na naman kami, so okay lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Ronnie, may The General’s Daughter, huwag nating kalimutan yung injury niya sa tuhod [dahil sa basketball].

"So, lahat naman ng dahilan niya… may dahilan naman talaga, e.

“So, naiintindihan namin.

"Minsan naman, nakakasayaw pa naman namin si Ronnie, so okay lang naman."

VICE GANDA-ION PEREZ RELATIONSHIP

Dahil madalas si Ryle sa It’s Showtime, ano ang masasabi niya sa relasyon nina Vice Ganda at Kuya Escort Ion Perez?

“Okay lang, okay naman.”

Masaya si Ryle para sa dalawa.

“Nakikita ko na marami silang napapasayang tao.

"And si Ion naman, nakakasama ko kasi pagka, for example, commercial namin sa online [show], 'tapos sila naman yung nagla-live, nakakakuwentuhan ko naman si Ion.

“'Tsaka magka-gym kami.”

Ano ang napagkukuwentuhan nila?

”Wala... for example, nagba-basketball sila, yung mga ano nila, kina Zeus [Collins], iyon yung napagkukuwentuhan namin.”

Ayon kay Ryle, hindi nila napag-uusapan ni Ion ang tungkol sa love life.

“Hindi ko tinatanong.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close