Inday Barretto clarifies she's not castigating Bea Alonzo

IMAGE Instagram

Inday Barretto: "by my using the Words Jilted/ Left behind etc- does not apply to Bea -Not to Bea at all..."


Nilinaw ni Mrs. Inday Barretto na hindi si Bea Alonzo ang pinatatamaan niya sa kanyang mahabang komento sa Instagram account ng ABS-CBN entertainment news reporter na si Mario Dumaual kahapon, August 1.

Doon ay ipinagtanggol ng Barretto matriarch ang apong si Julia Barretto laban sa bashers na nag-aakusang ang young actress diumano ang dahilan ng breakup nina Bea at Gerald Anderson.

Ngayong Sabado, August 3, muling nagkomento si Inday sa parehong Instagram post ni Mario na naglalaman ng excerpt ng interview ng TV Patrol kay Bea.

Sa interview na ito sinabi ni Bea na hindi sila nag-break ni Gerald, kundi bigla na lamang daw siyang hindi kinausap ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanyang panibagong komento, sinabi ni Inday na para sa lahat ng mga iniwan ng karelasyon, hindi kay Bea, ang post niya.

Iginiit din ng lola ni Julia na hindi si Bea ang kanyang pinagagalitan dahil mahal niya ang aktres.

Nasasaktan lang daw si Inday dahil sa masasakit na salitang ibinabato ng netizens laban sa kanyang apo na si Julia.

Narito ang kabuuang mensahe ni Mommy Inday kay Mario (published as is):

"by my using the Words Jilted/ Left behind etc- does not apply to Bea -Not to Bea at all but to those Who Joined the Fray with Gusto/ obvious the bitterness Now being taken out on Julia- thank you

"sentiment ko lang Indi si Bea ang kinagalitan ko dito - I Love the Girl and Lovebable siya

"Ive seen Bea Grow up well- the latest meet was last march of this year when she came to the Wake of my elder sister I had a chance for a talk and found out “How what a Really beautiful person she is - in and out -

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As a mother I too Feel sad for her I also am happy for the Ones who are there for her

"It is just si unfair tho- cruel infact to attack Julia with accusation bordering on innuendos, calling her Names and innuendos of sexual affair

"That is too much and too painful to just sit and watch a grandchild of mine being clubbered with character assasination"

Hindi yata alam ni Mommy Inday na public ang kanyang mga post sa Instagram account ni Mario at nababasa ng lahat, kaya balewala ang pakiusap niyang “not for publication” ang mga sinabi niya.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close