Juancho Trivino reveals unique "love language" with girlfriend Joyce Pring

IMAGE Instagram

Juancho Trivino defines his and girlfriend Joyce Pring's unique "love language": “Mga love language ay receiving gifts or touch. Manorpresa, or acts of service, pinagsisilbihan mo."


Mas out in the open na ngayon ang relasyon nina Juancho Trivino at Joyce Pring.

“Very thankful ako na siyempre, Unang Hirit has been very supportive of us kaya’t siyempre napu-post namin,” pagpapasalamat niya.

Madalas ay napi-feature ang real-life tandem nila ni Joyce sa naturang GMA-7 morning show kung saan pareho silang hosts.

Saksi ang mga televiewers at mismong followers nila nitong nakaraang Valentine’s Day noong sinorpresa ni Juancho (mula airport galing sa isang event abroad) si Joyce habang on-air na naghu-host ang dalaga.

“Maraming tao ang sumubaybay kasi nung istorya namin, so masaya ako, masayang-masaya ako,” umpisang pahayag ni Juancho sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong nakaraang Martes, July 30, sa 17th floor ng GMA Network sa mediacon para sa Bova Acting Workshop ni Anthony Bova na isang international acting coach.

Nasa mediacon din sina Anna Feleo (Workshop Facilitator), GMA Artist Center executives Gigi Santiago-Lara and Simoun Ferrer at ang ilan sa participants ng Bova Acting Workshop tulad nina Benjamin Alves, Jak Roberto, Vaness del Moral, Manolo Pedrosa, Klea Pineda, Thea Tolentino, Arra San Agustin at Jeric Gonzales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A couple of months,” ang sagot ni Juancho sa tanong namin kung gaano na katagal ang relasyon nila ni Joyce.

“Magyi-year na rin. Medyo matagal na rin.”

Isang taon na sila sa February.

“Oo, parang ganun.”

COMPATIBLE

“Kasundo ko siya,” ang pakli naman ni Juancho sa tanong namin kung ano ang pinakagusto niya kay Joyce.

“I really feel na compatible kami.

“Kasi kahit hindi naman kami totally... alam mo yun, parang magkaparehas na tao, at siyempre may mga differences pa rin naman kami katulad ng siyempre, profession, and all those other stuff, nagkakasundo kami.

“Masaya kami kapag magkasama kami, alam namin yung love language ng isa’t isa.

“So madalang kaming mag-away.”

LOVE LANGUAGE

Ano ba ang example ng love language nila ni Joyce?

Paliwanag niya, “Mga love language ay receiving gifts or touch. Manorpresa, or acts of service, pinagsisilbihan mo.

“Kapag puwede ako sinusundo ko siya, sinasamahan ko siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagluluto naman siya ni Joyce.

Paglinaw niya, “Give and take naman kami.

“Ako, very ano ako, e... parang words of affirmation, na parang palaging sinasabi yung mga nararamdaman.”

Dahil sa sweetness ni Juancho, maraming nagsasabing isa siya sa pinaka-sweet na showbiz boyfriend sa social media.

Pagmamalaki niya, “Well, ako, lahat ng pinu-post ko kasi lalo na regarding kay Joyce, lahat galing sa puso.

“So lahat naman tayo capable of, you know, may kanya-kanyang sweetness.

“Siyempre, ako more.

“Ano ako e, mas showy ako. At siyempre, ang mas iniisip ko pa rin talaga yung kung anong magpapasaya kay Joyce.”

WEDDING PLANS

Hindi naman kami nagtaka nang napag-alaman naming si Joyce na ang nais mapangasawa ni Juancho.

May plano na ba silang magpakasal?

Aniya, “Ipinagdadasal namin iyon, ipinagdadasal namin, na magkaroon ng plano soon.”

Gusto na pala niyang mag-asawa?

“Sana! Di ba ultimate goal naman ng lahat ng tao e magkaroon ng pamilya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So it is an option.

“Also, pinag-uusapan din talaga namin yan kasi bakit ka pa magre-relationship di ba, kung hindi mo naman nakikita yung future mo with someone?” diin niya.

NEW SHOW

Pero sa ngayon, habang wala pa naman talaga silang definite plans ni Joyce tungkol sa pagpapakasal ay career muna ang haharapin nila.

Malapit ng mapanood si Juancho sa Madrasta ng GMA-7 kasama sina Arra San Agustin at Thea Tolentino.

Unang beses ito ni Juancho na gaganap bilang isang young father.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close