Ejay Falcon proud to be loyal Kapamilya

IMAGE Instagram

Ejay Falcon never fails to acknowledge his home network, ABS-CBN, for giving him his big break in showbiz: “Alam niyo po, galing ako sa wala. Pero dahil sa PBB, kay Direk Lauren [Laurenti Dyogi], na-discover ako, so lahat utang na loob ko po sa kanila."


Sampung taon na sa ABS-CBN si Ejay Falcon.

Lahad niya, “Dire-diretso, 'tapos kaka-sign ko lang po ng two years.”

Bakit siya loyal bilang isang Kapamilya?

Kuwento niya, “Alam niyo po, galing ako sa wala.

“Pero dahil sa PBB, kay Direk Lauren [Laurenti Dyogi], na-discover ako, so lahat utang na loob ko po sa kanila.

“Lahat-lahat. Kung hindi dahil sa kanila, wala ako ngayon dito, hindi ko rin natulungan ang pamilya ko, wala. Hindi ako nakilala.”

Ni minsan ay hindi ba pumasok sa isip niya na lumipat ng home network?

Lahad niya, “Well, hindi naman lumipat na parang iiwan ko na sila.”

If ever, gusto ba niyang mabigyan ng pagkakataong mag-guest sa isang Kapuso show?

Paglinaw niya, “Hindi… role! May hinahanap lang akong role.

“Kasi kaming mga artista, like ako, iba na kasi ang priority ko, e.

“Gusto ko nandun ako sa concept, yung gusto ko na yung aktor, gusto ko malalim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May hinahanap ka na hindi na yung parang... sabi ko nga kahit hindi na ako bida, e.

“May hinahanap ka lang na gusto mong gawin.”

CHALLENGING ROLE

Ngayon raw ay ipinagkaloob iyon sa kanya ng ABS-CBN sa pamamagitan ng bagong seryeng pagbibidahan ni Ejay, ang Sandugo.

“Kasi ang dami naming artista sa ABS, e.

“Hindi naman lahat e, di ba, kung gusto ng isa e maibibigay dun sa isa?

“Puwedeng ibigay nila pero mag-aantay ka.

“So hanggang ganun lang ako, hanggang ganun lang.

“Naghihintay lang ako nung role na yun and ngayon nabigay naman sa akin,” pagpapasalamat niya.

Intense family action/drama raw ang Sandugo kung saan bida rin si Aljur Abrenica.

RELATIONSHIP

Tatlong taon na ang relasyon nina Ejay Falcon at ng girlfriend niyang si Jana Roxas.

Nagkakilala sila dahil sa isang common friend nila.

Certified Kapamilya si Ejay samantalang produkto naman ng StarStruck (ng GMA-7) si Jana.

Natutuwa ba si Ejay na sa dami ng tao sa Pilipinas ay sila pa ni Jana na galing sa magkalabang TV networks ang pinagtapo ng tadhana?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglinaw niya, “Actually, hindi naman na siya active, e.”

Kahit raw noong nakilala niya si Jana ay hindi na ito aktibong Kapuso artist.

Dagdag niya, “Paglabas ko ng PBB, nag-stop na siya. 2008 yata.”

Pero the fact still remains na taga-Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus si Ejay (noong 2008 kung saan siya ang Big Winner) at galing naman ng StarStruck si Jana (noong 2005 ka-batch nina Jackie Rice at ng namayapang si Marky Cielo) na parehong reality show/artista search ng dalawang top TV stations sa bansa.

“Sabi nga, minsan nga magkaibang lengguwahe, magkaibang bansa, magkaibang nationality, may language barrier pa.

“E, kami, parehas kaming Tagalog, siyempre,” at tumawa si Ejay.

Rebelasyon naman ni Ejay, muntik nang maging Kapamilya si Jana.

Kuwento niya, “One time nga, sa Ang Probinsyano, may nagte-text sa akin, 'tapos may dumaan pa sa isang kaibigan namin, ganito-ganyan...

“Sa Ang Probinsyano, pinapa-guest siya. Last year pa ‘to, nasa Cebu siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Tapos sabi niya, ‘Parang gusto kong gawin.’

“Sabi ko, ‘Ikaw ang bahala.’

“Pero nasa Cebu siya, so hindi natuloy.”

Bakit ba huminto si Jana sa pag-aartista?

Paliwanag niya, “Baka hindi niya nakita yung sarili niya na ganito, or baka… parang okay naman kasi siya ngayon, e.

“Okay naman siya. I mean, hindi naman siya yung… or baka lang din may darating ang time na may role na maganda, baka i-accept din niya.

“Depende, depende sa kanya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ejay sa launch niya bilang bagong celebrity endorser ng Beautederm Collection sa Quezon Ballroom ng Seda Hotel sa Vertis North sa Quezon City noong nakaraang Linggo, July 28.

Bukod kay Ejay, kasabay ding ini-launch bilang bagong Beautederm babies sina Alex Castro, Carlo Aquino, Matt Evans, Kitkat, Jane Oineza at Ria Atayde.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close