Jak Roberto credits acting workshop for overcoming his trust issues

IMAGE Courtesy of GMA Network

Kapuso actor Jak Roberto credits GMA-7-sponsored Bova Acting Workshop for helping him overcome his trust issues: “Meron kasi akong trust issue, hindi talaga ako nag-o-open up sa isang tao na hindi ko pa ganun kakilala."


Sa mediacon ng Bova Acting Workshop ay nabanggit ni Jak Roberto na kapag may workshop ay hirap siyang mag-open up tungkol sa mga personal na bagay o pangyayari sa kanyang buhay .

“Sa unang workshop po, hindi sa Bova workshop,” paglilinaw ni Jak.

“Kasi parang nabigla ako, e!

“Yun yung mga unang salang namin sa workshop na kailangan maging truthful.”

Bakit hirap siyang magpakatotoo?

Pagklaro niya, “Hindi naman, hindi naman po sa mahirap.

“It’s just the people around you na hindi mo pa trusted.

“So, alam mo yun, hindi mo pa kilala, hindi mo alam kung safe yung secrets mo or yung mga nangyayari sa buhay mo.

“Sabi naman nila what happens in the workshop stays in the workshop.

“Meron kasi akong trust issue, hindi talaga ako nag-o-open up sa isang tao na hindi ko pa ganun kakilala.

“So iyon lang naman yung struggle ko before, 'til this day na parang naramdaman namin na safe kami sa workshop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga techniques kami na or meron kaming mga exercises na ginagawa na makakapag-open up kami...

“Mae-express namin yung sarili namin tsaka yung napi-feel namin sa buhay namin ng hindi namin sinasabi.

“So parang dun kami na-amaze, e! Na parang, puwede pala yun na ngayon lang namin natutunan.

“So every time na nasa workshop kami, we feel safe.

“It’s your choice naman kung io-open up mo yung problem mo or ie-express mo na lang siya thru voice yung parang may mga sound ka na gagawin para ma-express mo yun. So ganun.”

Unang beses ni Jak na mag-workshop sa ilalim ng international acting coach na si Anthony Bova.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jak sa mediacon para sa Bova Acting Workshop nitong nakaraang Martes, July 30, sa 17th floor ng GMA Network.

Nasa mediacon din sina Anna Feleo (Workshop Facilitator), GMA Artist Center executives Gigi Santiago-Lara and Simoun Ferrer at ang ilan sa participants ng Bova Acting Workshop tulad nina Benjamin Alves, Vaness del Moral, Manolo Pedrosa, Klea Pineda, Thea Tolentino, Juancho Triviño, Arra San Agustin at Jeric Gonzales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AWARENESS EXERCISE

Ano ang mga importanteng bagay na natutunan ni Jak mula sa Bova Acting Workshop?

Lahad niya, “Bilang actor, itinuro sa amin kung paano kilalanin yung sarili mo and mag-stay grounded at maging good yung personality mo.

“Kasi ang instrument mo yung sarili mo, iyon yung gagamitin mo sa trabaho, e.

“So kailangan na irespeto mo yung sarili mo, kailangan mong kilalanin.

“Halimbawa, every workshop namin, meron kaming napi-feel na halimbawa may nag-away sa bahay, may problema sa bahay, or problema sa relationship, problems na nag-i-stress sa ‘yo today.

“Yung first exercise namin, ang ginagawa namin para i-release lahat ng mga stress na yun, i-open yung mga senses namin.

“Na iyon yung importante sa amin bilang, halimbawa nasa set kami, 'tapos may mga ganung nangyari sa bahay, pagdating namin sa set alam na namin maging kalmado para mas magawa namin ang trabaho namin, mas maging bukas yung mga senses namin and maka-deliver.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya ngayon ay magaan na para kay Jak na palaging dumalo sa mga acting workshops at nawala na ang trust issue niya.

Samantala, sa Oktubre ay isang buwang mapapanood sa Wagas sina Jak at ang real-life girlfriend niyang si Barbie Forteza.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close