Hi! magazine sexy and in love this September


Singer-TV host Toni Gonzaga admits that she was not attracted to Direk Paul Soriano during their first meeting. However, during the taping of Toni's music video "Catch Me I'm Fallin'", the 23-year-old host seemed to have fallen in love to her director.


Siksik na siksik na naman sa chika ang Hi! magazine ngayong Setyembre!

Sa unang pagkakataon, makikita ng publiko ang unang paglabas ng sobrang in love na si Toni Gonzaga kasama ang kanyang boyfriend na si Direk Paul Soriano, ang direktor sa likod ng music video ni Toni na "Catch Me I'm Falling."

Dati-rati'y iniintriga lamang si Toni na isa siyang lesbiana dahil sa dami ng mga nali-link sa kaniya ngunit wala naman nakakatuluyan. Ngayon, aalamin ng Hi! kung papaano nahulog ang pihikang puso ng TV host-singer sa tisoy at batang-batang director.

Samantala, bukod kina Toni at Direk Paul, laman din ng Hi! ang di kanais-nais na karanasan ng aktres na si Francine Prieto dala ng kanyang pagiging "sexy star." Ayon sa kaniya, ito daw ang first time na nabastos siya kung kaya't sobrang nanghina siya matapos ang insidente.

Naikuwento rin ni Francine ang mga napagdaanan niya bago pa man siya makikilala sa showbiz. Binilang ng Hi! kung anu-anong beauty pageant ang mga nasalihan ng maganda at sexy na aktres.

Tampok din ngayong September sa Hi! ang mga sexy photos na inabangan ng mga kalalakihan nang rumampa si Cristine Reyes sa FHM Philippines 100 Sexiest Women Party sa World Trade Center. Kasama rin dito ang ilan pang sexy ladies na napasama sa 100 Sexiest Women ngayong taon.

Inisa-isa din ng Hi! ang ang di mapigilang pagdami ng reality shows. Ilan sa mga pinakabagong reality shows na ito ang model-search na Be Bench, ang talent-search na Coca-Cola Ride to Fame, at ang katatapos lamang na Ms. Ugly (No More) kung saan nakaranas ng major transformation ang tatlo nitong finalists.

Ilan lamang ito sa mga ihahandog ang Hi! sa mga taong mahilig sa chismis. Kaya ano pang hinihintay niyo, get your copy now!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN