Former MTB co-host Dominic Ochoa at a crossroads in his career


Dominic Ochoa honed his hosting skills in ABS-CBN and dreams of taking Edu Manzano's career path.



Isa si Dominic Ochoa sa mga August birthday celebrators ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN. Ten years na rin pala siya sa industriya at inaamin ng 34-anyos na binata—na nagdiwang ng kanyang kaarawan last August 4— na sa puntong ito ng kanyang career ay nag-iisip-isip na siya ng mas malaking pagbabago.

"I am thankful na umabot ako ng ganito," ang panimulang sabi ng actor- host sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang kumustahin namin siya.

Sinabi ni Dominic na he's quite contented with what he has achieved so far under ABS-CBN's Star Magic, headed by Mr. Johnny Manahan, and what his other manager (Boy Abunda) has given him so far.

"Pero ‘yon na nga, parang may kulang. Everyone that I talk to, especially ‘yung mga kapanabayan ko na medyo wala ring ginagawa, believe na parang may hindi pa nga ako nagagawa," Dominic speculated on his career growth.

Lately raw kasi ay nakausap niya nang masinsinan ang matalik niyang kaibigang si Marvin Agustin, who just signed up with GMA-7. "Napag-isip-isip ko talaga ang mga sinabi niya, pero siyempre, I also did some deep thinking," sabi ni Dominic.

Alam naman daw ni Dominic na magkaiba sila ng estado ni Marvin pagdating sa showbiz achievements kaya't "can afford" mag-take ng risk ang huli for his career.

"Inaamin ko na may konting takot ako siyempre kapag pinag-uusapan ang mga lipat-lipat ng network, et cetera. Factors like utang na loob, ano ang puwedeng sabihin sa akin, ang issue ng pag-burn bridges, at ‘yon na nga, ano ang mayroon pa ako na puwede kong ipagpamalaki, if ever," pahayag ni Dominic sa tanong ng PEP kung naisipan ba niyang lumipat o i-entertain ang mga feelers ng ibang network.

October this year daw mag-e-expire ang kontrata niya with ABS-CBN at kahit na isa siya sa mga hindi masyadong nabibigyan ng proyekto, sinabi ni Dominic na "I would like to think na pana-panahon lang ‘yan. Basta right now, kuntento naman ako though ‘yon nga, ramdam ko na may kulang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FUTURE PLANS. Nakilala si Dominic noong mga taong 1999-2002 sa dating noontime show ng ABS-CBN na MTB, kung saan nahasa ang hosting skills niya. Ang trio nila noon nina Marvin at ng yumaong Rico Yan ang isa sa mga inaabangan at hinahangaan ng marami. Napasama siya sa mga magagandang shows ng Dos at nagbukas din iyon ng daan para magkaroon siya ng mga commercial endorsements, dalawa na nga rito ang Smart at San Miguel Beer, mga produktong nagbigay ng "maraming raket sa akin last year and this year."

Ang huli niyang regular show sa ABS-CBN ay ang Bituing Walang Ningning last year, at sa movies naman ay muli siyang mapapanood sa My Kuya's Wedding, kung saan for the third time ay gumaganap siya bilang bading. Co-host din siya ni Lucy Torres-Gomez sa ABC-5 dance show na Shall We Dance.

Dahil nga sa kawalan niya ng mga shows dito, tumatanggap siya ng mga raket abroad.

"Kinarir ko na rin nga rin ang pagkanta," pagmamalaki pa nito dahil naka-duet na raw niya nang live si Rachelle Ann Go sa isang show nila sa Dubai this year.

At dahil nga naghahanda siya sa anumang puwedeng mangyari come October, he tries to stay fit. Malaki na nga ang ipinayat niya't iginanda ng katawan. Ka-jamming niya raw sina Gary Valenciano, Richard Gomez, Jojo Lastimosa, at iba pa, sa pagba-bike from Sta. Rosa, Laguna to Tagaytay every Tuesday, Thursday, Saturday, and Sunday.

Soon ay bubuksan na rin niya ang kanyang apparel business (here in Manila and one in Cebu City) bilang parte na rin ng kanyang paghahanda.

"I really wanted to develop that sense of self-marketing and promoting, which Marvin obviously has. Iyon ang isa sa mga rasong nakikita ko kung bakit napakalakas ng loob ng kaibigan kong ‘yan at madali siyang magdesisyon, career man o ano ang pinag-uusapan," paliwanag ni Dominic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Given the break, wish pa rin daw ni Dominic na tularan at sundan ang career path ni Edu Manzano. Sana raw ay sa ABS-CBN pa rin mangyari ang lahat.

Happy naman ang love life niya sa ngayon with his non-showbiz girlfriend. Three years na sila at kahit pareho na silang nasa marrying stage, may mga individual dreams pa raw silang nais matupad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN