Dennis Trillo opposes death penalty for drug-related crimes

IMAGE Arniel Serato

Dennis Trillo on death penalty for drug-related crimes: "Drugs? Kulong na lang siguro. Hindi na kailangang mamatay pa dahil lang sa droga, di ba?"


Umaayon sa panahon ang pelikulang Mina-Anud na kinabibilangan ni Dennis Trillo dahil tumatalakay ito sa pagsiwata ng ilegal na droga.

Sa halos lagpas tatlong taon ng drug war ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, marami na ang nabuwag na sindikato ng droga at marami na ring napatay dahil sa pinaghinalaan o napatunayang nagtutulak o gumagamit ng droga.

Ngunit, aminado ang pamahalaan na mahirap talagang sugpuin ang droga dahil sa dami pa ring nakakapasok na illegal drugs sa bansa.

Kaya naman nagpanukala ang ilang mambabatas para tuluyan nang masugpo ang droga, papatawan ang mga mahuhuling big-time drug traffickers ng parusang kamatayan.

Patuloy pa rin ang debate nito sa dalawang Kapulungan ng Kongreso kung dapat nga bang ibalik ang death penalty sa bansa.

Sa kabilang banda, hindi naman sang-ayon si Dennis Trillo sa death penalty sa mga nahulihan ng droga o kaya sa drug lords.

Sabi ng aktor na, “Depende siguro sa… ano hindi ako in favor sa death penalty kahit anong kasalanan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit sa rape or murder?

Tugon niya, “Siguro para sa mga pedophiles, puwede.

"Saka sa mga serial killers na pedophile.”

Kung sang-ayon siya sa drug war ng pamahalaan, bakit hindi siya pabor sa death penalty para sa drug peddlers?

Pahayag ni Dennis, “Drugs? Kulong na lang siguro.

"Hindi na kailangang mamatay pa dahil lang sa droga, di ba?”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa promotional pictorial ng Mina-Anud.

Bukod kay Dennis, kasama rin sa Regal Entertainment movie na ito sina Jerald Napoles at Matteo Guidicelli.

Ipalalabas ito sa mga sinehan simula sa August 21.

DIRECTOR DENNIS TRILLO

Ano ang moral lesson ng pelikula nila?

Sabi ni Dennis, “Maging malinis ka sa lahat ng mga ginagawa mo.

"Huwag kang masasangkot sa mga ilegal na gawain kasi hindi siya makakabuti sa 'yo.

“Siguro kikita ka, pero yung kikitain mo na yun, kulang pa kung ikaw ay mahuli at makukulong habang buhay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, nagbabalak namang magdirek ng pelikula si Dennis balang araw.

Hindi pa niya masabi kung isa ba sa mga ito ay ang idirek ang kanyang longtime girlfriend na si Jennylyn Mercado.

Sabi lang niya, “Ayun, abangan din nila mga pelikula na ipu-produce din namin in the future.”

Pagdating naman sa TV project, kuwento ng Kapuso actor, “Malapit na rin.

"Actually, magsisimula na sana kaso hindi lang na-approve yung unang casting.

"Pero ngayon yata ipa-finalize. So, ayun, malapit na rin.”


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close