Frank Garcia revives showbiz career by joining Boyz.Com


After two years of trying his luck in Thailand, Frank Garcia returns to the Philippines to revive his showbiz career. The 24-year-old actor is now a member of the all-male group Boyz.Com.



Frank Garcia is Franco Frederick Groenenboom in real life. Half-Dutch and half-Filipino, Frank gained popularity as one of the sexy hunks (in a popular deodorant ad) who went on to become a popular boy band, Power Four, along with Greg Martin, Jay Salas, and Geff Rodriguez.

Pansamantalang nawala sa bansa si Frank when he tried his luck two years ago in Thailand, kung saan naging ramp at commercial model siya.

"Hindi ko kaya ang kumpetisyon dun. Marami ding matatangkad at talagang very good-looking. Though I was able naman to do a fastfood commercial na ako ang lead, but still, mas iba ang sistema dun," sabi ni Frank sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sa pagbabalik niya ng bansa, nagdesisyon si Frank na subukan muli ang maging member ng isang boy band, ang Boyz.Com. Sa pagkakasali niya sa naturang all-male-group na itinatag ni Direk Manny Valera, who also serves as Frank's manager, sinabi ng 24-year-old actor na "nabigyan pa ako ng break and I wanna make it this time."

Kasama ni Frank sa naturang boy band ang kapwa niya artista na sina Polo Ravales, Gabb Drilon, Alwyn Uytingco, at Joseph Bitangcol. Mayroon silang regular voice rehearsals under Tony Carpio (whose wife is the accredited voice coach of the Malaysian prime minister's wife), at may dance lessons naman mula kay Spike Bermudez. Open sa mga suggestions ang grupo pagdating sa dance and song numbers nila, pero lagi raw may last say ang manager nila na matiyagang pinakikinggan at pinapanood ang chemistry ng grupo.

May mga mall tours na rin daw sila at positive naman daw ang reception sa grupo nila. Nakatakda rin silang mag-show soon sa mga venues like Zirkoh at Klownz, here and outside Metro Manila.

Hindi nga rin daw inakala ni Frank Garcia na magiging best of buddies sila ni Polo. Parehong naging ex-boyfriend ng aktres na si Sunshine Dizon sina Frank at Polo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siya kasi ‘yung lagi kong nakakausap nung mga time na talagang low ang morale ko," kuwento ni Frank.

Hindi naman kaya sila ni Polo ang ma-develop sa isa't isa, birong tanong ng PEP sa guwapong hunk, na madalas tawaging si Mr. Neozep, dahil sa series ng TV commercials nito.

Tumawa muna siya bago sumagot. " For as long as we both know our sexuality at confident at secure po kami sa aming pagkalalaki, wala silang maiintriga sa friendship namin."

The fact is, hindi taboo kay Frank ang mga usaping gay. Ever since daw kasing pumasok siya sa business na ito when he was just 17, marami na rin siyang naging kaibigan at mga nakilalang mga bading na matatawag niyang mga tunay na tao.

Kaya nga nang alukin siya na gumanap na isang bisexual sa isang indie movie ay hindi siya nagdalawang-isip, though inamin niya na sobrang nailang siya noong kukunan na ang eksena kung saan makikipaghalikan siya sa kapwa niya lalaki.

"Naku po, talagang hindi ako humihinga habang kinukunan 'yung eksena!" ang natatawa nitong sabi.

Abala ngayon sa pagtulong sa promotion ng My Kuya's Wedding si Frank. Siya ang gumaganap na ex-boyfriend ni Pauleen Luna sa movie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN