Jennylyn Mercado's fate in GMA-7 still in limbo


"Si Jennylyn talaga kasi ang batang tahimik kahit nasa puso niya ‘yung sama ng loob, sinasarili. Iyon ang ano sa batang ‘yon. Kaya pag bumigay naman, iyak din siya. Hindi ko na lang ipinapakita sa kanya kapag umiiyak ako sa mga nangyayari sa kanya dahil ayokong makita niya na nanghihina rin ako," says Mrs. Lydia Mercado (right) about the problem that her daughter Jennylyn Mercado (left) is facing.



Sa ikalawang pagkakataon ay hindi sinasadyang makita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang ina ni Jennylyn Mercado na si Mrs. Lydia Mercado noong Martes ng gabi, August 21, sa isang restaurant sa Quezon City. Una namin siyang nakita noong August 17 sa taping ng Kapamilya Deal or No Deal kung saan naging celebrity contestant si Angel Locsin.



Nandun daw si Mommy Lydia sa studio ng ABS-CBN para suportahan si Angel na kapwa talent ng kanyang anak kay Becky Aguila. Nakalibre raw ng oras si Mommy Lydia dahil nasa Hawaii si Jennylyn noon para mag-show.



Siyempre, hindi nakaligtas si Mommy Lydia sa paningin ng host ng Deal Or No Deal na si Kris Aquino kaya binati nito ang ina ni Jennylyn. Kilala ni Kris si Mommy Lydia dahil nakasama ng TV host-actress si Jennylyn sa pelikulang So Happy Together.



Special mention din ni Kris si Jennylyn sa Deal Or No Deal. Nabanggit pa nga ni Kris na welcome raw si Jennlyn sa ABS-CBN kung saka-sakali.



THE MEETING. Dumating na si Jennylyn a few days ago from Hawaii, pero ayon kay Mommy Lydia ay wala pa ring anumang proyekto ang kauna-unahang StarStruck winner. Pati sa SOP ay tinanggal na rin daw si Jennylyn bago pa man naganap ang pakikipag-meeting ng young actress with GMA Artist Center.



"Wala naman silang sinabi kung ano na ang mga susunod na project na gagawin ni Jennylyn. Halimbawa sa loob ng isang oras na nag-meeting, one-third lang ‘yung kay Jennylyn, ‘yung iba puro si Angel na ang napag-usapan.

"Pagkatapos noon ay ipinatawag ni Ma'm Wilma [Galvante, GMA-7 SVP for Entertainment TV] si Jennylyn, pero hindi na kami pinasama. Si Jennylyn lang daw ang gusto niyang makausap," kuwento ni Mommy Lydia sa panayam ng PEP.

Dagdag pa ni Mommy Lydia, nagulat na lang daw siya nang lumabas ng opisina ang kanyang anak na umiiyak. Hindi na niya naitanong kung bakit dahil bigla raw may mga kamera nang kumukuha kay Jennylyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Pagdating sa bahay, nagkulong na sa kuwarto niya ‘yung bata. Wala talagang makakausap sa kanya. Depressed na depressed siya, feeling ko. At nung tinatawagan na nga siya para sa GMA Artist Center, hindi na siya sumagot at pumunta sa Showbiz Central. Kaya kung anuman ‘yung nangyari sa loob ng opisina ni Ma'am Wilma, sila lang dalawa ang nakaalam," lahad pa ni Mommy Lydia.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung ano nga ang totoong naganap sa loob ng opisina ni Ms. Galvante, pero may lumabas na report na sinabihan daw ng lady executive si Jennylyn na huwag siyang tatanga-tanga at kunwaring walang alam sa pinaggagawa ng manager niyang si Becky Aguila. Sinabi pa diumano ni Ms. Galvante na huwag magreklamo si Jennylyn kung wala siyang project at maghintay kung kailan siya bibigyan ng show ng GMA7.

Wala pang opisyal na pahayag o pagtanggi si Ms. Galvante tungkol sa lumabas na balita.

UNCERTAIN CAREER. Samantala, bilang ina, nag-aalala naman si Mommy Lydia sa kanyang anak dahil sinosolo na lamang daw ni Jennylyn ang problema niya sa kanyang showbiz career.

Ayon kay Mommy Lydia, "Si Jennylyn talaga kasi ang batang tahimik kahit nasa puso niya ‘yung sama ng loob, sinasarili. Iyon ang ano sa batang ‘yon. Kaya pag bumigay naman, iyak din siya. Hindi ko na lang ipinapakita sa kanya kapag umiiyak ako sa mga nangyayari sa kanya dahil ayokong makita niya na nanghihina rin ako.

"Bata pa lang si Jennylyn, napakalaki na ng poblemang dinala niya dahil battered child nga siya. Hindi ‘yan lumalaban noon, di ba? And now, it's happening again. Pero ngayon, tahimik lang siya. Mas nakakatakot kasi tahimik lang siya.

"Nasaskatan din nang husto ang kanyang emosyon at hindi nagsasalita. Para sa akin, mas nakakatakot itong nangyayari ngayon kay Jennylyn. Hindi natin alam kung anong puwedeng kahinatnan ng sakit ng kanyang kalooban o kung ano ang puwede niyang gawin. Sabi nga nila, mas masakit daw ‘yung emotional pain kesa sa pisikal," pahayag pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbigay rin ng mensahe si Mommy Lydia sa GMA-7 na sana ay huwag nilang pabayaan ang showbiz career ng kanyang anak.

"Nakakalungkot, kasi si Jennylyn ang unang winner sa StarStruck, homegrown talent nila ‘yan. Isa pa, breadwinner ng pamilya si Jennylyn. Maysakit pa ngayon ang husband ko. E, ako naman, hindi na rin ganun kalakas para makapagtrabaho.

"'Yung mga fans nga sinasabi sa amin na gusto nilang mag-rally sa harap ng GMA-7, pero sabi namin sa kanila, huwag nilang gawin ‘yon. Baka isipin pa ng iba na kami ang nagpapagawa noon sa kanila. Pero inaamin namin na malaki ang utang na loob namin sa GMA-7," sabi ni Mommy Lydia.



Meron ding mensahe si Mommy Lydia para kay Jennylyn: "Anak, maghintay-hintay lang tayo. Alam ko ‘yung dinadaanan nating pagsubok ngayon. Ang Panginoon ang maglulutas sa atin kung anuman ang maganda para sa ‘yo. Kaya konting tiis na lang."



Dalangin pa ni Mommy Lydia na mabigyan ng solusyon ang mabigat na problema ng kanyang anak sa mas maagang panahon bago raw mahuli ang lahat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN