Daniel Padilla, Kathryn Bernardo join soloista Joshua Garcia at after-party

IMAGE @Roxy_Liquigan Twitter

Real-life couple Daniel Padilla and Kathryn Bernardo (right photo) reportedly join the table of Joshua Garcia at an after party in San Francisco, California.


Hindi tuluyang solo flight si Joshua Garcia sa after-party ng ASAP Natin ‘To Bay Area dahil sinamahan siya ng magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. 

Kaugnay ito ng pagsasama-sama ng ilang Kapamilya stars sa show ng Sunday musical-variety show na ASAP Natin 'To, sa San Francisco, California, nitong August 3 (U.S. time). 

Kumpirmadong mag-isa nga si Joshua sa isang table sa venue ng after party, base sa tweets ni Roxy Liquigan, head ng Star Music, ang recording label arm ng ABS-CBN. 

Sa mga litratong ibinahagi ni Roxy, makikitang nakaupo sa hiwalay na table sina Daniel at Kathryn. 

Pero lumipat daw ng table ang couple nang makita nila si Joshua sa venue. 

Pagkatapos ay makikitang nagkukuwentuhan sina Joshua at Daniel habang kumakain naman si Kathryn. 

Narito ang tweets ukol dito:

Linggo ng gabi, August 4 (PH time), naiulat sa PEP Troika na namataang "sweet-sweetan" on stage ang ex-couple na sina Joshua at Julia Barretto na kasama ng grupo ng Kapamilya stars na nag-show sa San Francisco. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero pagkatapos ng trabaho, namataan nga raw na "solo flight" na si Joshua at hindi kasama si Julia sa after-party ng show. 

NO MORE COMMUNICATION

Noon namang August 1, hiwalay na dumating sina Joshua at Julia sa Ninoy Aquino International Airport bago sila lumipad patungong San Francisco. 

Nakapanayam doon si Joshua at sinabi niyang matagal na silang walang komunikasyon ni Julia matapos ng kanilang napabalitang hiwalayan noong end of June. 

Base rin sa ulat ni ABS-CBN entertainment reporter MJ Felipe, nagpaabot ng mensahe si Joshua na "makakabangon" din daw si Julia sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng dalaga ngayon. 

Pero tumanggi si Joshua na magkomento sa pagkakaugnay ni Julia sa Between Maybes leading man nitong si Gerald Anderson. 

JULIA-GERALD RUMORED ROMANCE, BEA-GERALD BREAKUP

Sa kasalukuyan, wala pang direktang pahayag sina Julia at Gerald sa balitang "nanliligaw" at nagkakamabutihan na sila. 

Kaugnay ito ng ulat ng Cabinet Files, kunsaan isang source ang nagsabing umamin si Gerald kay Dennis Padilla na "nanliligaw" siya sa anak nitong si Julia at hiwalay na ang aktor sa longtime girlfriend nitong si Bea Alonzo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Taliwas sa pahayag ni Gerald, ibinulgar ni Bea na wala raw silang formal breakup ni Gerald at bigla na lang siya nitong hindi kinausap. 


Stories We Are Tracking

Joshua Garcia at Julia Barretto, sweet-sweetan sa stage; Joshua, solo flight sa after-party
Joshua Garcia at Julia Barretto, sweet-sweetan sa stage; Joshua, solo flight sa after-party
Joshua Garcia asked about Julia Barretto cheating allegations
Joshua Garcia asked about Julia Barretto cheating allegations
Joshua Garcia says breakup with Julia Barretto a mutual decision
Joshua Garcia says breakup with Julia Barretto a mutual decision
Julia Barretto, Joshua Garcia confirm two-year relationship
Julia Barretto, Joshua Garcia confirm two-year relationship


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close