Thea Tolentino denies breaking up again with Mikoy Morales

IMAGE Courtesy of GMA Network


Itinanggi ni Thea Tolentino ang balitang break na naman sila ni Mikoy Morales.

“Hindi!” at tumawa ang blond na si Thea nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng Bova Acting Workshop noong Hulyo 30, Martes, sa GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City.

Sa katunayan, magkasamang dumalo sina Thea at Mikoy sa premiere night ng pelikulang Family History noong Hulyo 23 sa SM Megamall.

“Dapat kami yung magka-date nun, pero hindi kami magkatabi, nasa itaas niya ako!” at muling natawa si Thea.

“Sabay kaming pumunta, pero sumama ako sa iba [na mga kaibigan].

“Kasi sabay-sabay sila, magkakatabi yung cast, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THEA'S NEW HAIRSTYLE

Bakit siya blond?

Saad ni Thea, “Gusto ko kasi talaga na every role na nabibigay sa akin, iba-iba yung hitsura ko.

“Kasi, parang iyon yung... isa yun sa nagse-separate sa iba’t ibang characters na nagagawa ko.

“Ginawa ko siya, nag-start akong mag-iba-iba ng hairstyle noong The Half Sisters [2014].

“Noong The Half Sisters, sobrang ano lang ako, highlights lang, mga ganun.

“'Tapos, nung kailangan merong transition na look, sabi ko, ‘Bakit hindi kaya ako mag-bangs?’

“Tinray kong mag-bangs, first time kong mag-bangs noon.

“Mula noon, nagugustuhan ko nang mag-iba-iba ng kulay ng buhok, ng ibang cut ng buhok.

“Sa Asawa Ko Karibal Ko, maigsi, naka-bob ako sa umpisa, maigsi, ash brown. 'Tapos pinahaba rin nila.”

Pagkatapos ng Asawa Ko, Karibal Ko nitong Marso 2019 ay nagpakulay pula ng buhok si Thea.

Kahit wala pa siyang kasunod na show noon ay gusto na ni Thea na magbago ng hairstyle.

“Pero mahaba pa ang buhok ko nun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW KONTRABIDA ROLE

Ang blond na maigsing buhok ngayon ni Thea ay para sa upcoming GMA drama series na Madrasta nila nina Juancho Trivino at Arra San Agustin.

“Dito sa role ko sa Madrasta, tinanong ko sila [GMA production] kung ime-maintain ko ang red hair, pero tinanong ko rin kung puwede bang mag-iba ako ng buhok, tapos, shorter para mas maaliwalas tingnan.

“'Tapos sabi ko, ‘Ano pa ba ang hindi ko nagagawa? Magpa-blond kaya ako?’ Kaya eto.”

Masayang-masaya si Thea sa tiwalang muling ipinagkaloob ng GMA para maging kontrabida siya sa Madrasta.

“Kasi, binigyan ako kaagad ng project, and ang hirap kasi pag nababakante.

“Though pag bakante kami, nakakapag-workshop kami tulad ng Bova, pero iba rin kasi yung nagagamit namin on the set yung mga natutunan namin sa workshop.

“And masasabi ko na itong role ko sa Madrasta, dahil sa natutunan ko sa workshop, ito yung isa sa pinaka napaglaruan ko na character.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close