F#*@bois star Kokoy de Santos says no to video scandals, nude selfies

IMAGE Kokoy de Santos Instagram

Kokoy de Santos: "Mas okay na sa akin na manood na lang ako ng porno kesa makipag-ano ako."


Dahil isa sa mga tema ng Cinemalaya 2019 entry na F#*@bois ay tungkol sa malalaswang videos na kumakalat sa internet o social media, tinanong namin ang isa sa lead stars ng pelikula na si Kokoy de Santos kung siya ba ay walang ganoong video.

“Unang-una sa lahat, marami na akong kakilala at kaibigan sa showbiz na ganyan ang nangyari.

"Ang pagkakaalam ko, kaya nangyayari ito, kasi may accounts na hindi nila kilala, or kilala man nila pero sinasadya lang na ikalat.

"Ka-chat nila, oo!

“So ako, sa sarili ko, siyempre aware na ako na ganun yung nangyayari."

Kaya maingat si Kokoy at sigurado raw itong wala siyang malaswang video na kakalat.

“Sure na sure ako kasi, unang-una sa lahat, ano ang mapapala…

"Mas okay na sa akin na manood na lang ako ng porno kesa makipag-ano ako,” at natawa si Kokoy.

“Di ba? Kasi, kung ang hanap mo… bakit ka ba nakikipag-chat, pleasure, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bakit pa ako makikipag-chat, malay ko, parang nilalagay ko lang ang sarili ko sa alanganin sa ganyan."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kokoy sa mediacon ng F#*@bois nitong Agosto 3, Sabado, sa Karma restobar sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

KOKOY DE SANTOS ON NUDE SELFIES

Nakikipag-chat online si Kokoy, pero wholesome o disenteng pakikipag-usap.

“Hindi ako umabot sa point na naghuhubad ako.

"Kung gusto mo ng hubad, kitain na lang kita!" at pilyong tumawa ang 21-year-old indie actor.

“Meron,” ang bulalas ni Kokoy sa tanong namin kung may babaeng sumubok na hingan siya ng nude video o paghubarin siya habang ka-chat siya.

“Ang ginagawa nila, e, may mga simpleng flirt iyan, na tipong ikaw mismo na hindi mo na mahihintay na magsabi sila ng ganun.

"Ako na mismo ang magsasabi na magse-send ako, pero biglang hindi ko gagawin, kasi alam ko naman na gawain nila yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahilig ba siyang mag-nude selfie?

May mga lalaki (at babae) na gawain iyon, pagkatapos ay nawawala ang phone o kaya ay nasisira at ipinapagawa, dahilan para mag-leak o kumalat ang kanilang nude photos.

"A, hindi, hindi," pakli ni Kokoy.

"'Tsaka unang-una sa lahat, hindi ako nagpi-picture nang hubo’t hubad ako. Di ba? Mahirap.

“Ano yun, mahal na mahal ko ba yung sarili ko?” at muling tumawa si Kokoy.

May mga lalaki na nagse-selfie para makita ang development ng katawan nila sa pagwo-workout.

“Oo, may mga ganun, pero ako sa sarili ko, nakakatakot, e! Di ba?”

101-percent sure si Kokoy na wala siyang malaswang video o litrato na kakalat online.

Mapapanood ang F#*@bois sa Cinemalaya International Independent Film Festival sa CCP mula August 3-11 at sa mga Ayala malls at Vista cinemas mula August 7 hanggang 13.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close