Ryle Santiago no longer mad at fellow Hashtags member

IMAGE Gorgy Rula

Ryle Santiago on rift with fellow Hashtags member: "Dati, galit na galit talaga ako. Pero ngayon, okay na ako."


Hindi pa pala naaayos ang hidwaan ni Ryle Santiago at ng isang kasamahan niya sa Hashtags.

Matagal nang inilabas ni Ryle ang galit niya sa kamiyembro sa all-male group na napapanood sa It's Showtime, pero ayaw niyang banggitin kung sino ito.

Sabi ni Ryle nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sisters Day nitong Agosto 4, Linggo, sa Starmall Alabang, humupa na ang galit niya sa nakaalitan niya.

Willing siyang makipag-usap para maayos nila ang isyung pinag-awayan.

“Dati, galit na galit talaga ako. Pero ngayon, okay na ako.

"Hindi naman kasi ako yung taong nagtatanim talaga ng galit,” pakli ni Ryle.

Civil sila sa isa’t isa, pero pagdating sa trabaho, okay sila.

Hindi raw halatang may alitan silang dalawa dahil kapag nasa It’s Showtime, nakikitang okay na okay siya sa mga kasamahan niya sa Hashtags.

Ayon kay Ryle, “Kasi, pag alam namin na nasa entablado na kami, kailangang maayos kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi binabayaran kami for a service, which is to perform and to deliver. Yun naman ang iniisip namin.

"Kahit magkatabi pa kami sa blockings, may kailangan na partnerings, okay lang sa amin yun.

“Kasi alam namin na, at the end of the day, magkakagrupo kami. And kahit magkaaway kami, magkapamilya pa rin kami.

"I think nag-lay low na yung init namin sa isa’t isa.

“So, if ever na ready na kami na mag-usap na kaming dalawa, magiging okay na rin."

Kinulit uli namin si Ryle kung sino ang nakaalitan niyang kasamahan sa Hashtags, pero ayaw talaga niyang sabihin.

Mas mabuting huwag na raw dahil hindi pa sila nagkausap nang maayos.

Nang tanungin namin kung may kinalaman sa trabaho ang pinag-awayan nila, itinanggi niya ito.

Babae ba ang dahilan?

“A, hindi ko lang po alam,” napapangiting sagot ni Ryle.

Si Ryle ang isa sa endorsers ng Megasoft na nagpasaya sa mall show ng Sister sanitary napkin kasama ng ilan pang endorsers na sina Myrtle Sarrosa, Young JV, at ang datu ng Manobo na si Aljun Cayawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close