Gerald Anderson posts videos on Instagram; remains silent about cheating allegations

IMAGE Noel Orsal

Gerald Anderson still mum on cheating allegations with girlfriend Bea Alonzo.


Dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang pumutok ang balitang hiwalayan nina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Ngunit nananatiling tahimik ang kampo ng aktor tungkol dito.

Kahapon, August 4, nagparamdam muli si Gerald sa kanyang Instagram followers sa pamamagitan ng pag-a-upload ng dalawang videos.

Hindi matukoy kung bagong kuha ang mga video na ito o luma na.

Sa unang video, may nakasulat sa video wall ng tila isang auditorium na mga salitang “LIVE INTENTIONALLY.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasunod naman nito ang isa pang video na may mga playback sa hindi malinaw na topic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila nasa isang symposium o kaya ay isang worship ang aktor nang kunan niya ang mga video na ito, kung sakaling siya nga ang kumuha ng mga ito.

THE BEA-GERALD-JULIA CONTROVERSY

Laman ng balita ngayon si Gerald dahil sa breakup nila ni Bea at napapabalitang relasyon nila ni Julia Barretto.

Si Julia ang itinuturong third party sa hiwalayan nina Gerald at Bea.

Bago ang latest posts na ito ni Gerald, ang huli niyang update ay noon pang July 21 kung saan binati niya si Manny Pacquiao sa panalo nito laban kay Keith Thurman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paminsan-minsan ay nagla-like siya sa mga post ng kanyang fans tungkol sa sitwasyong kanyang pinagdadaanan.

Katulad na lamang sa post ng netizens tungkol sa “two sides to every story,” na pareho nilang ni-like ni Julia.

Nagsalita na si Bea tungkol sa hiwalayan nila ni Gerald, ngunit iginiit niyang wala silang formal breakup.

Ayon naman sa netizens, nabiktima si Bea ng “ghosting” o ang biglang hindi pagpaparamdam ng isang karelasyon.

Ang kampo naman ni Julia ay todo-tanggi sa isyung ibinabato sa aktres.

Ipinagtanggol siya ng inang si Marjorie Barretto, kapatid na si Dani Barretto, at lolang si Inday Barretto.

Ngunit ang mga tiyahin ni Julia na sina Gretchen at Claudine Barretto ay nakisimpatiya kay Bea.

Magpahanggang ngayon, hinihintay pa rin ng publiko ang pahayag ni Gerald tungkol sa isyung ito.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close