Carlo Aquino hints at real score with rumored non-showbiz girlfriend

IMAGE Noel Orsal / CTTO Instagram

Carlo Aquino on rumored girlfriend Trina Candaza: "Happy kami."


"Happy kami." 

Ito ang nakangiting sagot ni Carlo Aquino nang tanungin kung sila na ba ng non-showbiz girl na si Trina Candaza. 

Hindi diretsahang kinumpirma ni Carlo kung girlfriend na ba niya si Trina. 

Pero nakangiting sinabi ng aktor na "hindi naman" siya naiilang na makitang nagdi-date sila ng dalaga. 

Natanggap na raw ni Carlo na may ibang netizens na sadyang may masasabing hindi maganda patungkol sa kanya at kay Trina.  

"'Tsaka para kasing kahit ano naman gawin mo—kahit nga wala kang gawin—may hate, may bash.

"So, bakit mo iisipin yung ibang tao kung masaya ka?" 

Nakapanayam si Carlo ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press sa kanyang solo presscon sa Luxent Hotel sa Quezon City, noong July 30.

Para ito sa upcoming solo concert ni Carlo na Liwanag In Concert, na gaganapin sa Music Museum sa August 31. 

LA UNION TRIP

Kahit papaano ay nagiging bukas na nga si Carlo tungkol sa kanila ni Trina, na unang namataang kasama niya sa La Union noong unang linggo ng January 2019. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong buwang iyon, nakita rin ang dalawa na magkasamang kumakain sa isang mall sa Makati City. 

Pero nanahimik si Carlo tungkol sa ugnayan nilang dalawa dahil marahil sa kasabay noong naiulat ang pagkakasira ng magandang pagkakaibigan ng aktor at ng ex-girlfriend nitong si Angelica Panganiban. 

Kaugnay ito ng ilang buwang espekulasyon kung manunumbalik ba ang totoong pag-iibigan sa pagitan nina Carlo at Angelica, na nagbalik-tambalan sa pelilukang Exes Baggage.

February 2019 nang kumpirmahin ni Carlo sa isang panayam na totoo ang lumabas na litratong magkasama sila ng isang non-showbiz girl sa La Union. 

Nang sumunod na buwan, March 2019, inamin ni Angelica na "disappointed" siya kay Carlo at hindi na niya ito itinuturing na kaibigan. 

NEW SIGHTINGS

Makalipas ang ilang buwan, bandang mid-July 2019, napag-alamang patuloy ang ugnayan nina Carlo at Trina. 

Lumabas sa social media ang litrato nila na kuha sa birthday celebration ng isa nilang non-showbiz friend. 

Tinawag pang "lovebirds" sina Carlo at Trina ng kanilang non-showbiz friend na sinasabing nag-post ng kanilang group photo sa Instagram. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At nito ngang July 30, nakita ulit na magkasamang nagwo-workout ang rumored couple, base sa Instagram Stories na ibinahagi ng kanilang fitness coach. 


Stories We Are Tracking

Carlo Aquino admits fault in falling-out with Angelica Panganiban
Carlo Aquino admits fault in falling-out with Angelica Panganiban
Carlo Aquino, rumored girlfriend workout photos surface online
Carlo Aquino, rumored girlfriend workout photos surface online
Carlo Aquino spotted anew with rumored non-showbiz girlfriend
Carlo Aquino spotted anew with rumored non-showbiz girlfriend
Angelica Panganiban and Carlo Aquino: A timeline of an almost romance
Angelica Panganiban and Carlo Aquino: A timeline of an almost romance


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close