Regine Velasquez humbly responds to basher who did not like her performance

IMAGE Instagram

Regine Velasquez replies with humility to basher who told her "wag ka na lang kumanta."


Sa halip na mapikon, buong pagpapakumbabang tinanggap ni Regine Velasquez ang batikos ng netizen na dismayado sa naging performance niya sa ASAP Natin 'To Bay Area sa San Francisco, California.

All caps ang pagkakasulat ng post ng netizen na si raigabs10, na nagsabing napanood niya ang pag-awit ni Regine sa huling bahagi ng show noong Sabado, August 3 (U.S. time).

Himutok ng netizen, pumalya raw si Regine sa pagbirit ng "On The Wings of Love."

Sabi pa ng netizen, hindi nasulit ng libu-libong Pinoy ang ipinambayad nila sa ticket ng show dahil si Regine “did not hit the right note.”

“NAKAKAHIYA KA! FINALE KA PA? DI MO NAMAN MAABOT!!! Pweeh!!! Wag ka nalang kumanta!!!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REGINE ON DISAPPOINTING SOME FANS

Cool na cool naman ang mahabang reply ni Regine sa nasabing netizen (published as is):

“Wow (laughing emoji) natawa Lang ako.

“I guess kasalanan ko rin naman kasi kahit madaling kanta pinapahirap ko (laughing emoji) so pag hindi ko binirit disappointed na ang ibang mas mataas pa sa boses ko ang expectations (laughing emoji).

“Alam mo iba iba ang bawat pagkanta minsan depende sa kundisyon ng katawan at boses ng isang mangaawit ang kalalabasan ng kanyang performance.”

Aminado naman ang tinaguriang Asia’s Songbird na dapat lang na masulit ang ipinambayad sa ticket ng mga nanood sa kanilang concert, lalo na at pinagtrabahuhan nila ang pambili nito.

Buong pagpapakumbabang pag-amin ni Regine, “Pero tama ka NO excuses pinaghirapan nyo ang perang ipinambayad nyo para manood so you guys deserve only the best.

“At alam naming lahat yan kaya naman kahit may may sakit walang boses naki pag break sa jowa namatayan ng pet at kung ano ano paman, we always give it our best 101 percent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But unfortunately we still managed to disappoint some of you.

“Sa maniwala kayo o hindi bago nyo pa na decide na disappointed kayo.... super disappointed na kami sa mga sarili namin.

"To the point of blaming our selves for getting sick or not practicing enough or not being able to sleep working so hard or not eating enough or in my case eating too much (laughing emoji).  

“And the emotional battle we all have inside..... why didn’t I do this sana ginalingan ko pa sana nag practice pa ko.......

“But again no excuses. We all do what we do because we all love to entertain all of you.

“Natutuwa kami na sa maikling panahon na pagsasama natin napatawa napaindak napasayaw napaiyak napa inlove namin kayo, na sa maikling panahon nakalimun nating lahat na may kanya kanya tayong pinagdadaanan.

Sa huli, nagpasalamat pa si Regine sa netizen sa pagpapa-realize sa kanyang kailangan niyang paghusayan sa susunod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Regine, “But thank you for letting me know that I was so bad I will do my best next time.

"Kasi lagi namang may next time laging may next time to redeem my self.

“Yan naman ang maganda sa life laging may next time. GOD Bless”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FELLOW CELEBS DEFEND REGINE

Samantala, kung gaano ka-cool ang sagot ni Regine sa basher, nagpupuyos naman sa galit ang ilang kapwa niya celebrities.

Kabilang sina Vice Ganda, Karla Estrada, K Brosas, Jaya, Mark Bautista, Candy Pangilinan, at Katrina Velarde sa mga dumepensa para kay Regine at umaway sa basher.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang netizen naman ang nagpahayag ng suporta kay Regine at nagbalik-tanaw nang nawalan ng boses ang singer sa 25th anniversary concert nito sa SM Mall of Asia Arena noong November 16, 2012.

Matatandaang hindi tinapos ni Regine ang kanyang Silver anniversary concert dahil nawalan siya ng boses habang pinipilit kumanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napaiyak si Regine habang humihingi ng tawad sa concertgoers, at nangako ng libreng repeat performance.

January 5, 2013 nang gawin ni Regine ang kanyang Silver concert repeat.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close