Polo Ravales and Alessandra de Rossi chat openly with fans


Former lovers Polo Ravales and Alessandra de Rossi got real in answering the questions of their fans in iGMA.TV's Live Chat yesterday, August 22.


"Who says ex-lovers can't be friends?"

Ito ang masasabi ng ilang nakasaksi sa naganap na Live Chat with former lovers Polo Ravales and Alessandra de Rossi kahapon, August 22, sa 12th floor ng GMA building.

Walang bahid ng pagkailang sa pagitan ng dalawang dating magkasintahan nang humarap sila sa mga masugid na fans na nag-log on sa Live Chatng iGMA.TV.

Dahil muling ngang nakita ng publiko na magkasama ang dalawa sa webcam, marami ang nagsasabi na bagay na bagay pa rin silang dalawa. Naitanong din kung may pag-asa bang magkabalikan silang dalawa.

Agad naman itong sinagot ni Alex, nickname ni Alessandra sa showbiz, ng isang matunog na, "Never!" kasabay ng pagtawa. Naging prangka si Alex na isa sa mga naging problema raw nila ni Polo noon ay ang pagkahumaling ng sexy actor sa pagdyi-gym.

"Paano ba naman, gigising 'yan ng 11:30 [ng umaga] tapos maliligo at didiretso na sa gym. Magdyi-gym 'yan hanggang 7:00 [ng gabi]. Kapag nagkita kami pagod na siya kaya mainit ang ulo, at dahil pagod na nga, uuwi na raw siya at magpapahinga," diretsahang kuwento ng 23- year-old actress.

Bigla namang nag-comment ang Boyz.Com member na si Polo na, "Kaya kayo, kapag seryoso kayo sa pagdyi-gym huwag kayong kukuha ng girlfriend."

CURRENT LOVE LIFE. Bukod sa kanilang mga naging isyu sa relasyon, marami rin ang nagtanong kung sino na ang espesyal na tao sa puso nilang dalawa.

Ayon kay Alex, ngayon ay wala siyang boyfriend ngunit may crush siya sa isang taga-showbiz na ayaw niyang banggitin. "Baka hindi na ako mag-showbiz kapag nalaman niya," kinikilig na sabi ni Alex.

Si Polo naman ay iniintriga ni Alex tungkol sa napapabalitang pagkaka-link niya sa Fil-Candian beauty queen na si Rizza Santos. Nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang totoo sa isyung ito, inamin ni Polo na, "We go out, pero group date.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw rin ng hunky actor ang isyu na nililigawan niya ang Miss Earth 2006 contestant. Aniya, "Interested [ako], oo, kasi bago siyang kakilala, marami akong natututunan sa kanya. Pero iyong nililigawan, hindi."

Samantala, isang chatter naman ang nangulit kay Alex tungkol sa totoong naging relasyon niya kay Luis Alandy. Ngunit iginiit ni Alex na hindi niya naging boyfriend ang kasamahan niya sa pelikulang Barcelona.

QUESTION AND ANSWER. Para bigyang buhay ang two-hour Live Chat with Polo and Alex, nagkaroon din ng ilang games at isa na rito ay ang Q&A nilang dalawa sa isa't isa.

Unang nagtanong si Polo ng, "Minsan ba naiisip mo ako?" Bigla namang sagot ni Alex, "Never."

Agad na binawi ito ng aktres at sinabing, "Ikaw naman kasi, huwag mo akong bibiglain, alam mo naman ako. Hindi, minsan kapag nagkakape pa lang ako. Sinasabi ko, ‘Makakasalubong ko kaya si [Pappy] dito?' Masaya 'to, doon kasi kami nagba-bonding, nagka-develop-an, sa kapihan."

Sumunod naman na nagtanong si Alex, "Bakit ka biglang nag-boy band?"

Sagot ni Polo, "Kasi matagal ko nang gustong kumanta"—na agad hiniritan ni Alex ng, "Bakit nasa tono ka ba?"

Patuloy ni Polo, "Kaya ako nag-boy band kasi kapag nasa grupo ka hindi ka masyadong mahihiya."

"So, kailangan ko ring mag-girl group?" pang-asar na tanong ni Alex.

Ang sagot naman ng aktor, "Sa tingin ko, pero maganda na ang boses mo ngayon, di mo na kailangan ng girl group."

Nang turn na ulit ni Polo magtanong kay Alex, ito ang kanyang nasabi: "Sino ang mas naiisip mo, si Oyo Boy o si Jeremy?"

Agad na sinagot ni Alex na, "Siyempre si Jeremy kasi iyon 'yung recent, tapos wala namang iba na pumalit sa kanya kumbaga... Usually kasi, di ba, napu-fall out of love ka lang sa isang tao, lalo na kung may pumalit, nakakalimutan mo siya tuluyan kaagad? Siya kasi wala pang pumalit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa mga maiintrigang isyung ito, marami pang katanungan ang chatters kahapon sa dating magkasintahan at game na game naman sinagot ng dalawa, lalung-lalo na si Alex.

Sa dalawang oras ng kwentuhan at tawanan, masasabing naging mabuting magkaibigan sina Alex at Polo matapos ang paghihiwalay nila.

Sa mga nais mapanood ang Live Chat nina Alex at Polo, mag-log o mag-register lamang sa iGMA.tv.

Sa darating na August 30, 5:00 p.m. to 7:00 p.m., sina Nadine Samonte, Mike Tan, at Chuck Allie naman ang makakatsikahan ng chatters.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN