Ai-Ai delas Alas talks about her ghosting experiences

IMAGE Rose Garcia


“Ano ba yung ghosting?”

Ito ang natatawang balik-tanong ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas nang tanungin kung na-“ghosting” na ba siya.

Ipinaliwanag sa kanya ng kaharap na entertainment press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na ang ghosting ay millennial term kung saan ang isang karelasyon ay bigla na lang hindi kinausap ng karelasyon nito.

Nang malaman kung ano ang ibig sabihin nito, mabilis na “oo” ang sumunod na sagot ng Kapuso Comedy Queen.

“Oo, maraming beses! Bigla na lang nganga!” natatawang sabi niya.

“Yun pala ang ghosting.”

May relasyon siya talaga sa mga nang-ghosting sa kanya?

“Hindi masyado!” ntatawang pag-amin ni Ai-Ai.

Pero sa seryosong naging karelasyon niya, wala naman daw siyang matandaang nang-ghosting sa kanya.

“Sa hindi seryosong dyowa, maraming ganun.

“Siguro rin kasi, hindi ko rin naman siguro sineseryoso.

"O baka naman mamaya, feelingera lang din ako.

“Kumbaga, sa part ko, hindi ko naman talaga siya dyowa. Ako lang ang nagpi-feeling.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa naman si Ai-Ai nang amining siya man ay nang-ghosting sa nakarelasyon niya.

“Siguro ang tawag dun, karma!” halakhak niya.

“Pare-pareho lang, sabay-sabay lang.

“Kapag ghinosting niya ako, igo-ghosting ko rin ang iba.”

Pero seryosong patuloy ni Ai-Ai, “Alam niyo, depende nga ‘yan kung ano ang relationship niyo.

“Kagaya ko, baka naman sa part ko, akala ko, dyowa ko siya. Pero sa part niya, hindi naman pala.

“Alam niyo yung one-time, big-time lang. Ano lang, one-night stand... so depende.

“Depende sa ibibigay kong payo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Ai-Ai sa pocket presscon ng bago niyang pelikula sa Reality Entertainment, ang And Ai, Thank You, na ipalalabas na sa August 14.

Ang presscon ay ginanap sa pag-aaring restaurant ng comedienne, ang AiSian Fusion Restaurant, sa Cloverleaf Ayala Mall, Balintawak, Quezon City, noong August 2.

AI-AI GHOSTED BY "GERALD"?

Ayon kay Ai-Ai, kung may relasyon daw talaga ang dalawang tao, hindi maganda yung ghosting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dapat linawin. Babae man o lalaki ang gagawa, hindi maganda yun.

“Pero kung dyowa-dyowaan lang, e, baka naman puwede, kasi millennial na.”

Mas natawa si Ai-Ai at nakiusap na huwag na siyang isali sa isyu nina Gerald Anderson, Bea Alonzo, at Julia Barretto nang may nagsabing kapangalan ng aktor ang mister niyang si Gerald Sibayan.

“Ano ba ‘yan, huwag niyo na akong isali diyan!” tawa niya.

Si Gerald niya, never naman nang-ghosting sa kanya?

“Hindi naman,” may kumpiyansang sagot ni Ai-Ai.

Pero dugtong ng actress-TV host, “Ano ba ‘to, yung tungkol kila Bea, kay Julia?

“Alam niyo, minsan kasi yung ganun, hindi naman natin alam kung ano ang puno’t dulo nila.

“So, siguro mas mabuti na huwag mag-judge kung kanino man.

“Siyempre, kapag iiwan ka, masakit talaga yun para sa isang babae.

“Pero hindi kasi natin alam kung ano talaga ang puno’t dulo.

“So, siguro maki-chismis na lang tayo. Huwag na tayong magsalita ng hindi maganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, magiging nega lang. Positive lang tayo, good vibes.”

Aminado si Ai-Ai na nagkainteres siya nang lumabas ang isyu nina Bea, Gerald, at Julia.

“Ang plastic naman natin kung sasabihin mong hindi ka nakiki-chismis.

“Titingin lang ako sa IG nila, nakikita ko lang din sa mga comments ng mga tao.

“Pero, akala mo naman kilalang-kilala nila or alam ang buong istorya kung makapagsalita sila.”

AI-AI’S BASHERS

Sa parte ni Ai-Ai, tila nag-mellow na raw ang bashers siya.

Saad niya, “Alam mo, ngayon ko nga lang naisip kung ang buhay ko noon kung may social media, malamang tapos na tapos na ang career ko.

“Sa ika-tenth year ko pa lang, tegi na career ko.

“E, di ba, ang daming nangyari sa buhay ko? Ang daming scandal sa buhay ko.

“Buti nga noon, press lang, walang social media, umabot ako ng 30th.

“Yung social media kasi, bandang huli na lang sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong nakipag-boyfriend ako kay Gerald [Sibayan], yun lang yung umaatikabong bash na inabot ko.”

Napatunayan naman daw nila na totoong pag-ibig ang namamagitan sa kanila ng asawa.

“Weeeh! E, kahit na ano naman ang gawin nila, wala na silang magagawa, kasal na kami ni Gerald.

"Ganun naman ang relationship, e, kahit matagal na kayo, nagkakahiwalay pa rin.

“Kayo pa nga ang magtataka, ‘Ay, hiwalay na sila? Parang perfect na perfect ang pagsasama.’

“Meron namang parang hindi magtatagal, pero hanggang ngayon, magkasama pa rin.”

Kuwento pa niya, “Parang kami, ilang buwan ba kaming na-bash ni Gerald?

“Pero sabi ko nga, sandali lang ‘yan, mga anim na buwan lang ‘yan at, heto, six years na kami ni Gerald.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close