Manny Pacquiao PR agent Bernard Cloma's condo units robbed

IMAGE Courtesy: @bcloma on Instagram

Bernard Cloma, who frequently travels abroad with Manny and Jinkee Pacquiao, was victimized by condo thieves. Main suspect is a close friend.


Nabiktima ng "akyat-condo" ang PR agent ni Pambansang Kamao at Senator Manny Pacquiao na si Bernard Cloma noong huling bahagi ng Hulyo.

Si Cloma, na binansagan ding "Pambansang Kaibigan" ng mga artista dahil sa dami ng kilala nitong celebrities, ay nanakawan ng mga designer bags, sapatos, alahas, at pera na umabot sa halagang P13 million.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nahuli ng pulisya noong Linggo, August 4, ang apat na suspek sa pagnanakaw; kasama na rito ang malapit na kaibigan ni Cloma na si Jimwell Bondoc, 27.

Ang iba pang kasabwat ni Jimwell na natiklo rin ng pulisya ay sina Eric Eulogio, 44; Pierre Lance Lansang, 28; at April Kyle Gonzales, 21.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major General Guillermo Eleazar, nagreklamo si Cloma sa pulisya noong pagkabalik nito sa Pilipinas galing sa laban ni Manny at ni Keith Thurman sa MGM Grand Garden Arena, sa Las Vegas, noong July 21.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napansin daw ni Cloma na sira na ang doorknob ng kanyang pagmamay-aring condo unit sa Tower C Condominium sa Quezon City.

Pati ang isa pang unit na kanyang nirerentahan sa nasabing condominium ay ganun din daw ang nangyari.

Na-recover naman sa mga suspek ang 12 mamahaling relo na nagkakahalaga ng halos P10 million, iba’t ibang branded bags na may halagang P2 million, perfumes, sapatos, cash, at foreign currencies na aabot naman sa P1 million.

Si Cloma ay nagbebenta ng mga mamahaling gamit, at ang kanyang pangunahing mga kliyente ay ang mga kaibigang artista.

Ayon kay Cloma, hindi niya lubos maisip kung bakit siya nilooban ng kanyang malapit na kaibigan.

Noong kinumpronta raw niya si Bondoc, sinabi raw nitong dala lang ng pangangailangan kaya siya ninakawan nito.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close