Julia Barretto accuses Bea Alonzo of bullying

IMAGE Noel Orsal

Julia Barretto to Bea Alonzo: “Bea, you wanted to keep your hands clean by not mentioning me in your controversial post, but with a click of your finger, in your sly way, you have charged everybody to destroy me FOR YOU."


“That is downright bullying.”

Ito ang matapang na pahayag ni Julia Barretto, 22, laban sa kapwa ABS-CBN star na si Bea Alonzo, 31.

Bahagi ito ng sagot ni Julia kaugnay ng pagkakadawit ng pangalan niya sa breakup nina Bea at Gerald Anderson, 30.

Si Julia ang itinuturong third party diumano sa hiwalayan ng dalawa.

Sa unang pagkakataon ay binasag ni Julia ang kanyang katahimikan tungkol sa isyung kinasasangkutan sa pamamagitan ng official statement na ibinahagi niya sa Instagram ngayong Martes ng gabi, August 6.

Kalakip ng lumang litrato nilang dalawa—kung saan batang-bata pa si Julia habang teenager pa lang si Bea—isiniwalat ni Julia ang kanyang saloobin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinimulan ni Julia ang kanyang pahayag sa pagsasabing labis na siyang naaapektuhan sa mga batikos na natatanggap.

Pahayag niya, “These past weeks, my faith, my patience, and my strength were put to the test.

“I have endured many harsh words hurled against me and my family everywhere on social media.

“It is exhausting and painful.

“While some might have forgotten, I am also human.”

JULIA ON CHEATING ON JOSHUA AND THIRD-PARTY ISSUE

Kasunod nito ay sinagot na ni Julia ang dalawang akusasyong ipinupukol sa kanya.

Una, ang pagtataksil diumano niya sa dating kasintahang si Joshua Garcia, 21.

Pangalawa, ang pagiging third party raw niya sa breakup nina Bea at Gerald.

Saad ni Julia: “I was attacked for two issues: 1. I cheated on my boyfriend. 2. I was the cause of another relationship’s break up.”

“Let’s be clear: Josh and I had broken up four months ago.

“We have publicly admitted it together and we have cleared that there was no third-party involved.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag pa niya, “From now on, anything I do in my private and love life is not considered as cheating, and is none of anyone’s business.”

Nanindigan din ang Kapamilya actress na wala siyang kinalaman sa breakup nina Bea at Gerald.

“Secondly, I believe Gerald has already made it clear that a third party was not the cause of their break up.

“I would like to disassociate myself from the break up of Bea and Gerald. Their issues are entirely their own,” paglilinaw ni Julia.

Noong June 28, 2019, sa interview ng ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe, sinabi nina Julia at Joshua na nagdesisyon silang magbalik sa pagiging "bestest friends."

Hindi direktang binanggit ng dalawa sa interview na break na sila.

Sa naturang interview ring iyon ay tahasang itinanggi ni Julia ang isyung may namamagitan sa kanila ni Gerald.

JULIA BARRETTO ACCUSES BEA ALONZO OF BULLYING

Hindi rito nagtatapos ang post ni Julia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasunod nito, nagpakawala siya ng maaanghang na pahayag laban kay Bea.

Buwelo ni Julia, “However, since I was brought into this mess without a choice, this is what I have to say."

Diretshang kinastigo ni Julia si Bea sa pagsasapubliko ng breakup nila ni Gerald.

“Your heartbreak should have been a private matter, but you have selfishly turned it into something of national concern.” 

Banat pa ni Julia, intensiyon daw talaga ni Bea na siraan siya sa paraang hindi nito binabanggit ang kanyang pangalan.

“Bea, you wanted to keep your hands clean by not mentioning me in your controversial post, but with a click of your finger, in your sly way, you have charged everybody to destroy me FOR YOU.

“You have encouraged a culture of hate by purposely liking harmless photos, putting malice into the minds of many, which resulted in the outrage of insults against me.”

Ang tinutukoy ni Julia ay ang pagla-like ni Bea ng paparazzi shots nina Julia at Gerald na ipinost ng isang netizen noong July 21, 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanyang Instagram post, tahasan ding inakusahan ni Julia si Bea ng pambu-bully.

Pahayag niya, “You are a woman of great influence and following.

“You could have used that power to promote strength and grace in women, but instead, you’ve used that to promote social media irresponsibility.

“That is downright bullying.”  

Dagdag pa ni Julia, “You can play victim all you want, but I refuse to be your victim.”  

JULIA SAYS SHE IS FORCED TO GROW UP

Sa huling bahagi ng kanyang post, sinabi ni Julia na kulang pa ang kanyang mga ipinahayag sa dami ng pinagdaanan niya bunsod ng isyu.

“This post is not enough to sum up everything I went through. I took the time to step back and take a look at the situation that I am in.

“It is so hard to be human in this industry but I still have every intention to stay in this business that I love so much.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For the longest time, I’ve always dealt with everything in silence, but this time, I am forced to grow up.

“I will not be sidetracked, derailed, and be dictated by people’s judgments and opinions of me."

Panghuling mensahe ni Julia: “This is me setting myself free and getting my soul back.”


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close