Young JV prefers dating non-showbiz girl after breakup with Miho Nishida

IMAGE Rommel Gonzales

Young JV on dating a non-showbiz girl: "Gusto ko lang siguro ito, alam mo yun, maiba lang yung mundo ko sa kanyang mundo para less stress."


“My love life is very good,” ang bulalas ni Young JV nang kumustahin ang kanyang buhay-pag-ibig.

“Parang sabi ko, gusto ko munang magpahinga sa lahat ng bigat, di ba?” at tumawa ang singer-actor.

Dating pa lang daw ang status nila ng isang isang non-showbiz girl na social media influencer.

Halos walong buwan na silang nagde-date. Bakit hindi pa sila mag-level up sa relasyon?

“Siguro ano, alam mo yung takot na parang pag nag-reach kami sa point na ganun. Ayaw na muna namin.”

Desisyon nilang dalawa iyon?

“More on me, kasi you know, may… hindi naman trauma factor, but gusto ko lang muna i-process yung sitwasyon ko.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Young JV sa Sisters Day Celebration 2019 ng Megasoft Hygienic Products nitong Agosto 4, Linggo, sa Starmall Alabang, Muntinlupa City.

LESS STRESS

Dating karelasyon ni Young JV si Miho Nishida, ang Big Winner ng second batch ng Pinoy Big Brother: 737 noong 2015.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit kaibigan pa rin ang turingan nila, hindi na sila nagkakausap ni Miho.

“Pero may closure kami,” paglilinaw ni Young JV.

Ayaw na ba niya ng karelasyong artista rin?

“Hindi naman sa ayaw, but gusto ko lang siguro ito, alam mo yun, maiba lang yung mundo ko sa kanyang mundo para less stress.

"Being private kasi, less stress."

Contract star si Young JV ng Star Magic. Hanggang kailan ang kontrata niya?

“Siguro, hanggang maging 'Mang JV' ako, sa Star Magic pa rin siguro ako!

“Or kahit maging 'Old JV' na ako, sa Star Magic pa rin ako!” at tumawa muli si Young JV.

Dagdag niya, “Mahal ko ang Star Magic family ko.”

May bagong single na ilalabas si Young JV under Not So Famous, music label niya bilang record producer.

May ginagawa rin siyang psycho-thriller film kung saan kontrabida siya.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close