Claudine Barretto reacts to "sila naglandi, sila sumagot" comment of fan

IMAGE Courtesy: @myrrhlaoto on Instagram

Claudine Barretto agrees to a fan's comment about staying away from negativity to avoid stress.


Nadawit ang pangalan ng magkapatid na Claudine at Gretchen Barretto sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanilang pamangkin na si Julia Barretto.

Si Julia ay anak ng isa pa nilang kapatid na si Marjorie Barretto.

Si Julia ang pinagbibintangang third party diumano sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Sa gitna ng isyung ito, parehong nagpahayag ng suporta sina Claudine at Gretchen kay Bea, sa kabila ng kadugo nila si Julia.

Halatang may alitan pa rin ang Barretto sisters.

Patunay nito ang cryptic post ni Claudine sa Instagram kung saan nagkomento si Gretchen na kung ang tinutukoy raw ba nito ay ang “mother and daughter team,” na patungkol kina Marjorie at Julia.

NO NEGATIVITY

Sa isa pang Instagram post ni Claudine kahapon, August 6, isang fan ang nagkomentong huwag na lamang pansinin ang mga negative na nakapaligid sa kanya para walang stress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa Instagram user na si @barneymarley2, “Huwag nalang pansinin ms. claude mga negative sa paligid wala pang stress ..sila gumawa ng problema di sila rin haharap nyan..sila nanglandi sila sumagot.”

Pagsang-ayon ng aktres, “@barneymarley2 tama.”

Hindi malinaw kung sino ang tinutukoy ng fan sa kanyang komento.

Ngunit posibleng may kinalaman ito sa pagsiklab ng damdamin ni Julia laban kay Bea, na inakusahan niya ng pambu-bully.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa patutsada ni Julia laban kay Bea, mariin din niyang itinanggi na siya ang third party sa breakup nina Bea at Gerald.

Nilinaw rin ni Gerald na walang third party sa hiwalayan nila ni Bea.

Hininihintay ng netizens ngayon ang sagot ni Bea sa mga paratang ni Julia.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close