Ai-Ai delas Alas: "I'm staying with ABS-CBN."


"Sabi ko nga, kasi minsan, nakakagawa tayo ng mga bagay-bagay because of security, insecurity. Pero sabi ko sa sarili ko, God is my security, kasi dati nagpapagawa ako ng bahay, wala akong trabaho, pero nakakaraos ako. So, wala akong dapat ikatakot," explains Ai-Ai delas Alas about her decision to stay with ABS-CBN.



Dumating na noong Martes, August 21, ang comedienne na si Ai-Ai delas Alas mula sa pagsu-show niya para sa Pinoy communities sa Ireland kasama ang co-Backroom artist niya na si Erik Santos. Kinabukasan naman ay nakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai sa Grams restaurant sa ABS-CBN Loop.

Inusisa namin si Ai-Ai tungkol sa napabalitang pagpirma diumano niya ng kontrata sa GMA-7 bago siya umalis papuntang Ireland. Pero pinabulaanan ito ng manager ng comedienne na si Boy Abunda kasabay ng paghingi niya ng pumanhin sa SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante dahil sa nangyari.



"Huwag na nating idetalye kung paano nagsimula ang lahat," pakiusap ni Ai-Ai.



Ayon kay Ai-Ai, may mga bagay raw kasi na ayaw na niyang ikuwento para hindi na rin malagay sa intriga ang kampo ng GMA-7 at upang sundin ang kahilingan ng mga taong kausap niya. The best thing that she could do raw ay humingi ng paumanhin as soon as she arrived from Ireland, na naganap nga nung Martres. Mula sa airport ay dumiretso ang comedienne sa GMA-7 at nakipag-meeting sa GMA-7 executives.



"Ang mensahe ko dun [sa meeting]... nag-apologize ako sa GMA, kay Ma'am Wilma at sinabi ko sa kanila that I'm staying with ABS-CBN," sabi ng comedienne.

Nang sumunod na araw, Miyerkules, ay agad namang ipinatawag ng ABS-CBN management si Ai-Ai.



"Yes, ipinatawag nila ako. Nag-meeting na kami kanina. Maganda naman ‘yung napag-usapan. Sinabi nila sa akin kung ano ‘yung mga gagawin ko," kuwento ni Ai-Ai.

Ano ang sinabi sa kanya ng management? Sinabihan ba siya ng "We need you, don't leave us?"



"No comment," ngiti ni Ai-Ai.

"Ah, hindi. ‘Don't leave us, we love you,'" tawa niya.

Ano ang naging deciding factor para kay Ai-Ai upang manatili sa Kapamilya network?



"Heart," sagot ni Ai-Ai.



Hindi pa ba siya handang umalis sa ABS-CBN?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi na, e," mariin niyang sabi. "Iba ‘yung sinasabi ng utak at saka puso. Hindi sila nagko-combine. Puso ang sinusunod ko. Lagi namang puso ang sinusunod ko kahit sa love life. Always follow your heart kasi that will make you happy, e. Pero minsan kasi, ang puso natin, tatanga-tanga kaya doon tayo nagkakaroon ng problema.



"Sabi ko nga, kasi minsan, nakakagawa tayo ng mga bagay-bagay because of security, insecurity. Pero sabi ko sa sarili ko, God is my security kasi dati nagpapagawa ako ng bahay wala akong trabaho, pero nakakaraos ako. So, wala akong dapat ikatakot. Imagine, nagpapagawa ako ng bahay sa Ayala [Heights], wala akong trabaho, hindi ko alam kung paano ako nabuhay. Only God knows. Ang galing ni God, ‘no?" sabi pa niya.



Masasabi ba niya ngayon na nahimasmasan na siya pagkatapos ng controversy sa kanya recently?



"Oo nga. Na-fresehen up. Nakapag-isip. Ay, tapos na pala ako mag-isip. Nakapagpahinga na ang puso and talagang I'm sorry. Nag-sorry talaga ako kay Ms. Wilma, personal, and eto, in print and sa telebisyon, gagawin ko rin," banggit niya.



Humingi rin ba siya ng paumanhin sa kanyang manager na si Boy for whatever reason?



"I'm sorry din," maikling sabi ni Ai-Ai.

Isa raw sa unang projects na gagawin ni Ai-Ai sa ABS-CBN ay ang role na Beautiki para sa bagong fantaserye na Lastikman starring Vhong Navarro.



"Tapos ‘yung ibang soap," dagdag niya. "Confidential na ‘yung iba, e. Tatapusin ko muna ‘yung Lastikman bago ‘yung ibang show. Magsisimula ako ng taping sa August 30. Tao na nagiging butiki ang role ko sa Lastikman."



Ready ba siya sa costume na susuutin niya as Beautiki?



"Hindi naman masyado siguro akong mahihirapan sa costume ko rito. Basta sabi ko lang, gusto ko makakaihi ako. Kasi dati sa sa Super Inggo, hindi ako makaihi, e."

Bukod sa Lastikman, mapapanood na rin two Sundays of the month si Ai-Ai sa Sunday musical variety show ng ABS-CBN na ASAP '07.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN