Ryle Santiago on love life: "Mahirap hanapin, mas magandang hintayin!"

IMAGE Rommel Gonzales

Ryle Santiago on his showbiz career: "Actually, ang goal ko naman po talaga is lahat ng naiambag ng mga Santiago sa industry, gusto kong maranasan at gusto kong mapatunayan na kaya ko rin."


Talentado sa acting, singing, at dancing ang Hashtags member na si Ryle Santiago, na nabibilang sa showbiz clan ng mga Santiago.

Puwedeng siya ang sumunod sa mga yapak ng mga uncle niyang sina Randy, Rowell, at Raymart Santiago.

"Hopefully, hopefully, sambit ni Ryle.

"Actually, ang goal ko naman po talaga is lahat ng naiambag ng mga Santiago sa industry, gusto kong maranasan at gusto kong mapatunayan na kaya ko rin."

Si Ryle ay anak ng aktres na si Sherilyn Reyes at ni Junjun Santiago na business unit head ng ABS-CBN para sa It’s Showtime.

Hiwalay na ang dalawa.

Ang dating basketball player at ngayon ay sport agent na si Chris Tan ang mister ngayon ni Sherilyn.

Sa tanong tungkol sa love life niya, ang sagot ni Ryle, “Dry!”

Wala raw siyang idine-date ngayon.

“Kasi… hintayin natin yung tama.

"Kasi natutunan ko, mahirap hanapin, mas magandang hintayin!"

GOING SEXY

Naghubad si Ryle sa pelikulang Bakwit Boys (2018) sa eksenang naliligo sila ng co-stars niyang sina Nikko Natividad, Mackie Empuerto, at Vance Larena sa labas ng bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Shirtless at naka-shorts si Ryle, na medyo payatot pa noon.

“Hindi pa ako nagdyi-gym nun,” sabi ng binata.

Kita ang development ng katawan ni Ryle ngayon lalo na kapag may production number sila ng grupo nilang Hashtags sa It’s Showtime, o sa mall shows.

Itinataas niya ang t-shirt nang bahagya para ipakita ang kanyang abs. Pampakilig!

Ganunpaman, wholesome pa rin si Ryle at ayaw muna niyang sumabak sa pagpapaka-daring o sexy.

“Actually, marami na pong inquiries, ayaw lang po muna nina mom and dad at ng Star Magic.

"Kasi, gusto nila, pagdaanan ko lahat ng stages. Ayaw nilang mag-skip."

Nasa anong stage na ba siya ngayon?

“Sabi ko nga, mabuti, maganda sana kung meron akong aalagaan.

"Pero yun na nga, ang gusto nilang alagaan, yung endorsements.

“Ayaw nilang mabago yung tingin ng endorsements sa akin, para i-maintain muna natin yung clean image.”

Ikalawang taon na ni Ryle bilang celebrity endorser ng Megasoft Hygienic products.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Sisters Day Celebration 2019 ng Megasoft namin nakausap si Ryle noong Linggo, August 4 sa Starmall Alabang, Muntinlupa City.

Kuwento pa ni Ryle, lately ay medyo nadagdagan ang timbang niya.

Halos dalawang buwan siyang hindi nakapag-gym dahil sa isang back injury.

“Training, sa workout” daw ang dahilan ng injury niya.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close