ABS-CBN show "Wowowee" embroiled in another controversy


Wowowee host Willie Revillame accidentally showed the wrong number in the jackpot portion of the noontime show's new segment, "Wilyonaryo."


Sunuod-sunod ang email na natatanggap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa televiewers na nakapanood sa controversial episode ng ABS-CBN noontime show na Wowowee noong Lunes, August 20. Naka-attach sa mga email ang footage ng episode na naka-post sa You Tube.



Tungkol sa "Wilyonaryo" ang controversial footage. Ang "Wilyonaryo" ang bagong segment ng Wowowee na nagsimula noong Sabado, August 18, at pawang mga celebrities ang mga naglaro.

Ang "Wilyonaryo" ay parang pinball kung saan papipiliin ang winning contestant ng isang wheel na may kulay. Pagkatapos ay papipiliin ang contestant kung "Wilyonaryo" o "Winame."

Kung pinili ng contestant ang "Wilyonaryo" ay may pagkakataon siyang manalo ng dalawang milyong piso, isang milyong piso, o P500,000 at bahay at lupa. Kung "Winame" (halaw sa mga salitang "uwi na ako") naman ang pinili ay iuuwi na ng contestant ang inalok na pera ni Willie.

Noong Lunes, August 20, ay mga ordinaryong tao na ang naging conestants ng "Wilyonaryo." Nanalo ay isang babaeng nagngangalang Weng. Ang pinli ni Weng ay "Winame" kung saan nag-uwi siya ng P100,000 na alok ni Willie, bukod pa sa P37,000 na napanalunan niya sa elimination round.

Tama naman ang naging desisyon ni Weng dahil nang tingnan ang laman ng pinili niyang wheel, na kulay puti, ay zero ang laman nito.

Gaya ng nakagawian na sa lahat ng game shows, sisilipin kung saan nakalagay ang jackpot prize. Paulit-ulit na sinabi ni Willie na dalawang milyon ang laman ng violet wheel, pero nang buksan ito, ang number zero—hindi P2 million—ang lumabas.



"Ah, 'yon, walang laman!" ang nabiglang reaksiyon ng co-host na si Mariel Rodriguez nang makita nito na "0" at hindi "2" ang laman ng violet wheel.



"Mali-mali, sandali... ang two million...ay hawak-hawak ko pala!" ang natatawang sabi ni Willie at pagkatapos ay inabot niya sa isang dancer ang filter o film na naglalaman ng number 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Umani ng batikos mula sa mga nakapanood ng episode ang insidente dahil malinaw na dalawa at hindi isang numero ang nakalagay sa mga colored wheels. Maaaring palitan ang ang numero, kaya nagdududang may scam o rigged ang "Wilyonaryo" game portion.



Buung-buo na mapapanood sa You Tube ang 8 minutes 45 seconds video footage ng pinag-uusapan na game portion ng Wowowee.



Naghihintay ng paliwanag mula sa Wowowee at ABS-CBN management ang televiewers na nadismaya sa kanilang nasaksihan.

Sinubukan din ng PEP na kunin ang panig ng pamunuan ng Wowowee tungkol dito, pero hanggang ngayon ay wala pa silang opisyal na pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN