Lovely Abella avoids posting photos, videos with Alden Richards

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Lovely Abella: "May pictures kami, may mga video, pero kasi po, iyon nga, binibigyan ko po talaga ng ano yung mga artista."


Maingat si Lovely Abella sa pagpu-post ng mga larawan at video nila ni Alden Richards sa social media.

Magkasama sina Lovely at Alden sa GMA-7 comedy-variety show na Sunday PinaSaya at sa Star Cinema movie na Hello, Love, Goodbye.

Aware si Lovely na may mga selosong fans na hindi magugustuhan kapag may litrato o video sila ni Alden na magkasama.

"Ang sweet ko rin naman kay Alden, yakap ako nang yakap!" at tumawa si Lovely.

Bakit hindi siya nag-post ng videos nila ni Alden?

Paliwanag ng Ilongga na Kapuso comedienne, “Kasi, alam niyo po, talagang ako, kunyari may video na ganun, iniingatan ko, e.

“Na kunyari kami lang, yung video na ito para sa amin lang, amin lang ’to.

"Kumbaga po, may pag-iingat akong ganun.

“May pictures kami, may mga video, pero kasi po, iyon nga, binibigyan ko po talaga ng ano yung mga artista.

“Katulad niyan, nirerespeto ko sila, hindi ako nagpapa-video greet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapagka may time lang na puwedeng magpa-picture...

“Actually po, ang dami pong nagpa-video greet sa akin kay Kathryn [Bernardo], lagi kong sinasabi na, ‘Ita-try ko, ga, ha?’

“Kasi, nakikita ko yung pagod nila, e!

"Sa mga tao, ngiti, 'tapos nun, yung kami-kami na lang, pagod na.

"Alangan naman pong agawin ko pa po yung eksena na, ‘Ga, paano naman.’"

Kuwento pa ni Lovely sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Actually, may first picture kami ni Kathryn nung time na hindi na ako nakapigil, sabi ko, ‘Ga, puwedeng magpa-picture?’ ‘Sige po, Ate!’

“Ate pa tawag niya nun sa akin, kasi hindi niya alam na Ga [o pangga].

“Nagpa-picture kami, sabi niya, ‘I’m so ugly, Ate!’

"Sabi ko, ‘Ay, don’t worry, Ga, hindi ko ito ipu-post.’

“So, hindi ko talaga pinost yung first picture namin together.”

DANIEL VISITS KATHRYN IN HONG KONG

Sa shoot nila ng Hello, Love, Goodbye sa Hong Kong ay nakita ni Lovely sa unang pagkakataon si Daniel Padilla nang dumalaw ito kay Kathryn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung reaction ko po nung nakita ko si Daniel, nagpaalam ako kay Kath thru text messages, chinat ko si Kath, ‘Ga, puwede ba akong magpa-picture sa kanya?’

“Pero katabi ko na lang po talaga si Daniel!” tumatawang kuwento ni Lovely.

“Kasi, naniniwala ako dun sa paalam, e.”

Ano ang sagot ni Kathryn?

“Sagot niya, ‘Sure naman, Ga! Halika, ako pa ang magpi-picture sa inyo!’

“Kaya po yung ibang picture namin na nandun kami sa Lan Kwai Fong, siya una nag-picture nun sa amin kaya wala siya.

"'Tapos nun sabi ko, ‘Ga, puwede ka bang sumama?’ dun na po.”

Napakaguwapo raw ni Daniel, ayon pa kay Lovely.

“Nakatsikahan ko siya pero very light lang talaga.

"Parang nagkakuwentuhan, ganyan, ‘Bakit Ga?’ nagtanong siya sa akin.

"Sabi ko, kasi Ilongga ako, so pangga.

"Parang pag close sa akin, Ga agad yung tawag po."

 Regular na napapanood si Lovely sa Sunday PinaSaya at Bubble Gang sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close