Shaina Magdayao says she's "meant to stay" with ABS-CBN

Shaina Magdayao reveals why she decided to remain a Kapamilya: "It’s beyond me. It’s not really me [who is] the deciding factor."


Masaya si Shaina Magdayao na manatiling Kapamilya.

“There are things na if you’re meant to stay, you’re really meant to stay,” sagot ng 29-anyos na aktres nang matanong kung bakit nagdesisyon siyang manatili sa ABS-CBN.

Dagdag niya, “It’s beyond me. It’s not really me [who is] the deciding factor.

“And I consciously wanted to rest and just do konting mga something light [projects].”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Shaina sa pocket press conference noong August 5, kung saan ipinakilala siya bilang bagong dagdag na character sa ABS-CBN daytime teleserye na Nang Ngumiti ang Langit.

Kuwento pa ni Shaina, nagbabalak na sana siyang maghinay-hinay sa showbiz, pero patuloy ang pagdating ng mga proyekto.

Ngayon nga ay mapapabilang na siya sa Nang Ngumiti ang Langit at gagawa pa ng pelikula, kung saan ang script ay nilikha ni Ricky Lee.

“It’s been a good year. Maganda na yung nangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m just really grateful na nabibigay sa akin yung mga opportunities, especially yung mga projects na may advocacies.” 

Masaya pa rin ba siya sa kanyang home network?

“Oo,” diretsong sagot niya.

“Para sa taong gusto nang magpahinga at mag-slow down… sa lahat ng magagandang nangyayari sa akin ngayon, wala akong karapatan para magreklamo.

“I’m very, very happy.

“Like what I said, in general, I’m in a good place talaga right now.

“This isn’t really part of my plan anymore.”

Diin pa ni Shaina, “I really thought na mag-i-slow down, or that was the plan. To just really slow down two years ago.

“Pero wala, e, I mean, tuluy-tuloy.”

Kamakailan ay nanggaling din si Shaina sa Cannes Film Festival para sa pelikula nila ni Piolo Pascual, Ang Hupa ni Lav Diaz.

SHAINA ON NETWORK TRANSFER RUMORS

Noon lamang June, sinagot ni Shaina ang isyung may balak daw siyang lumipat sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, ngayon, wala,” sagot ng aktres sa PEP.ph sa isyung paglipat.

Tinanong din kung may offer siyang natanggap mula sa kabilang network.

Ayon kay Shaina, “Well, sabi ko nga po, sa ngayon, wala po.

“I am a Kapamilya.

"And sa buong karera ko, sa buong pinagdaanan ko, hindi naman natin maiaalis na magpapasalamat ako, number one, sa ABS dahil dito na ako lumaki.

“But number two, also sa kabilang istasyon [GMA-7] dahil doon ako nagsimula.”

Kinuha rin ang kanyang opinyon kung iko-consider niya sakaling mag-alok ang Kapuso network.

Sagot niya, “Kung may offer man, malalaman niyo naman.

“But right now, I’m here. I’m here in ABS and in front of all of you.”

Nagsimula sa showbiz si Shaina nang gawin ang 1996 GMA-7 teleseryeng Lyra, kung saan siya ang title role. 

Pero pagkatapos nito ay lumipat na siya sa ABS-CBN at hanggang ngayon ay isang Kapamilya.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close