Joshua Garcia says no to bullies and liars

IMAGE Noel Orsal

Joshua Garcia on bullying and lying: "Kahit sino naman siguro sa atin ayaw natin na pinagsisinungalingan tayo, na binu-bully tayo, di ba? Kumbaga, tao tayong lahat, nararamdaman natin parehas iyon."


Ayaw ni Joshua Garcia, 21, ng nambu-bully at ng sinungaling.

Ito ang sinabi ng aktor sa harap ng ilang entertainment press at bloggers sa pocket press conference ng upcoming ABS-CBN afternoon teleserye na The Killer Bride.

Kasama ni Joshua na humarap sa press conference ngayong Huwebes, August 8, ang co-star niyang si Janella Salvador, 21.

Tampok din sa The Killer Bride sina Maja Salvador at Geoff Eigenmann.

Sa presscon, pinag-usapan ang mga papel nina Joshua at Janella.

Gagampanan ni Janella ang papel ni Emma, isang misteryosong babae na mapapadpad sa bayan ng Las Espadas at makararanas ng pambu-bully mula sa mga residente roon.

Si Emma rin ang sasapian ng kaluluwa ni Camilla (papel ni Maja), ang killer bride, para gumanti sa mga taong nang-agrabyado sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Joshua naman ay si Elias, isang binatang pagdududahan ang pagkatao ni Emma pero mahuhulog ang kanyang loob sa dalaga.

Ibinigay rin ni Joshua ang background ng kanyang karakter.

Noong bata pa si Elias ay nagsinungaling daw ito sa kanyang mga kapatid tungkol sa killer bride.

Si Elias ang tanging nakaligtas sa pamilya na na-massacre at lumaking dala-dala ang guilt at nagkaroon ng galit sa mga sinungaling.

JOSHUA’S THOUGHTS ON LYING AND BULLYING

Tinanong si Joshua kung ano ang pagkakatulad ng kanyang role sa tunay na buhay.

Sagot niya, “Very protective, mabait, mapagmahal sa magulang, ayaw ng sinungaling at manloloko.”

Kagaya rin ba si Joshua ni Elias na hindi titigil hangga’t hindi nalalaman ang katotohanan?

“Oo naman,” tugon niya.

“Pero nasa tao rin yun kung sasabihin niya ang totoo o hindi.”

Siya ba ang tipo na handang malaman ang katotohanan kahit masakit?

“Oo naman, kesa naman tumagal pa, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang opinyon niya tungkol sa pambu-bully at pagsisinungaling, na ilan sa mga paksang tinatalakay sa The Killer Bride?

Ayon kay Joshua, “Ako, personally, masama yung nambu-bully ka ng tao.

“Unang-una, hindi ka naman [ang] nagpalaki doon.

“Masama for me yung bullying 'tsaka yung… siyempre, sinungaling.

“Kahit sino naman siguro sa atin, ayaw natin na pinagsisinungalingan tayo, na binu-bully tayo, di ba?

“Kumbaga, tao tayong lahat, nararamdaman natin parehas iyon.”  

Pahayag naman ni Janella tungkol sa bullying, “Ako kasi, palaban ako, so hindi ko hahayaan na ma-bully ako.

“Hindi ako magpapa-bully kung alam ko yung stand ko.

"Wala akong tinatapakan na tao, hindi ako magpapa-bully."

JOSHUA ON BEA-GERALD-JULIA ISSUE

Samantala, hindi na na-interview ng reporters at bloggers si Joshua pagkatapos ng presscon proper dahil hinila na ito pagkatapos.

Kapansin-pansin din ang presensiya sa presscon ng handlers ng Star Magic, ang talent management ng ABS-CBN na kinabibilangan ni Joshua.

Hindi naman masisisi ang kampo ni Joshua kung mas mahigpit ang pagbabantay sa aktor na nadadawit sa isyu nina Bea Alonzo, Gerald Anderson, at ang ex-girlfriend ni Joshua na si Julia Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Julia ang pinaghihinalaang third party sa breakup nina Bea at Gerald.

Dahil dito, inuulan ng batikos mula sa netizens ang dating girlfriend ni Joshua.

Sa interview kay Joshua noong August 1, tinanong siya kung ano ang opinyon niya sa ibinibintang sa dating girlfriend na third party umano sa hiwalayang Bea-Gerald.

Umiwas si Joshua.

“Di ko masasagot yun, e," sabi ng aktor.

"Siguro lahat naman ng tao, may kanya-kanyang opinyon sa nangyaring issue."

Sinabi rin ni Joshua na nasasaktan siya para kay Julia dahil sa bashing, pero naniniwala siyang makakabangon ito.

Nito namang August 6, Martes, nag-post ng mahabang statement si Julia via Instagram.

Itinanggi niyang pinagtaksilan niya si Joshua dahil apat na buwan na raw silang break.

Mariin din niyang itinanggi na third party siya sa Bea-Gerald breakup.

Binanggit din ni Julia na nanggaling na mismo kay Gerald na hindi siya ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Bea.

Inakusahan din ni Julia si Bea ng pambu-bully dahil hindi man direkta, gumawa raw ng mga hakbang si Bea para masira si Julia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bahagi ng akusasyon ni Julia kay Bea: “You have encouraged a culture of hate by purposely liking harmless photos, putting malice into the minds of many, which resulted in the outrage of insults against me."


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close