Derek Ramsay hits back at basher for comparing him to Gerald Anderson

IMAGE Noel Orsal

Derek Ramsay (left) slams basher who compared him to Gerald Anderson.


Niresbakan ng Kapuso actor na si Derek Ramsay ang isang basher sa Instagram na pinagsalitaan siya ng masama.

Ngayong araw ng Huwebes, August 8, nag-post si Derek sa Instagram ng larawan nila ng kanyang pamangking babae.

Kabilang sa mga nagkomento rito ay ang IG user na may handle name na @shinettarevalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inihalintulad ng basher si Derek kay Gerald Anderson, na mainit na pinag-usapan ngayon dahil sa hiwalayan nila ni Bea Alonzo at pagkakaugnay nito kay Julia Barretto.

Ayon sa basher, "nagmana" raw si Gerald kay Derek.

Buong komento ng netizen: “Gawa kna kasi ng baby mo matanda kna Hindi ung puro kalandian lng gnagawa m. Yan tuloy si Gerald Anderson nagmana sau.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ito pinalampas ng The Better Woman actor.

Sarkastikong sagot ni Derek: “@shinettearevalo salamat sa advice and i hope because of what you said masaya ka for the rest of your day.”

Isa namang follower ni Derek ang nagsabing mayroon nang anak ang aktor sa estranged wife nitong si Mary Christine Jolly.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Buwelta naman ni @shinettearevalo, "@iiamsachie alam ko sa asawa nya dati Ky Jolly. Anung akala m sakin tanga.

"What I mean is sa present. Gago isip isip dn kasi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumagot muli rito si Derek at tila hindi na napigilan ng aktor ang kanyang damdamin.

Mensahe niya sa basher: “@shinettearevalo hey wag ka bastos! Ikaw nga ang gago tapos ikaw pa bastos.”


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close